^

Pang Movies

Timbang ni Claudine, hindi na pang-love story!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Timbang ni Claudine, hindi na pang-love story!         

Maganda pa rin naman si Claudine Barretto, ano man ang sabihin ng iba. Pero totoo ring mas malaman siya kaysa sa dati.

Kung titingnan mo, hindi na nga siya ang tipong pang-love story na pelikula.

Kaya tama na ang comeback film niya ay ang Deception, hindi isang love story kundi thriller at legal story tungkol sa isang aktres na nakulong dahil sa bintang na pinatay niya ang kanyang asawa na nagtago lang naman pala.

Hindi nila sinasabing true story iyan, pero maraming parang ganyan, na ang paniniwala ay namatay ang isang tao pero hindi naman pala.

Medyo napabayaan nga ni Claudine ang kanyang sarili kaya siya tumaba. Maaaring ang dahilan noon ay depression, lalo na nang sunud-sunod ang demandahan nila ng asawang si Raymart Santiago. At saka iyon ngang katotohanan na maraming nangako sa kanya ng comeback pero wala namang naayos.

Mabuti nga sa Viva na pagkaraan ng ilang panahon  natuloy pa ang kanyang comeback, iyan ngang Deception.

Sinasabi naman ni Claudine na personal decision din niyang talikuran muna ang showbiz, kahit na napakasakit na desisyon iyon para sa kanya, dahil ang paniwala niya, kailangang gabayan niya ang kanyang mga anak lalo na nga’t hindi maganda ang nangyari sa kanilang pamilya.

Ang problema ni Claudine, may kailangan pa siyang asikasuhin hanggang Mayo, at kung ano man ang resulta noon, maaaring maapektuhan na naman ang takbo ng kanyang career, bagama’t sinabi naman niya na kung magiging maganda nga ang resulta nitoang Deception, na siyempre hindi naman niya hahabulin iyong kagaya ng mga pelikula niya dati na inilalabas sa mga sinehan, tuluy-tuloy raw siya sa kanyang career.

Maricel, may Hollywood movie?!

Maganda kung totoo nga ang nabalita sa news site ng isang network, may gagawin daw isang Hollywood movie si Maricel Soriano. May pupunahin lang kaming mali, hindi basta ginawa sa US ay Hollywood movie na ang tawag, dahil marami roong independent producers, na gumagawa ng pelikulang tinatawag namang “off-Hollywood movies.”

Pero kung totoo iyan, malaki iyan ano man ang sabihin ninyo. Diyan talo niya si Sharon Cuneta, na nag-ambisyon din ng isang supporting role sa isang pelikulang ang star ay ang komedyanteng si Jokoy, na hindi natuloy dahil nag-false positive siya sa COVID test.

Romano, ike-cremate

Punung-puno ng bulaklak ang burol ng actor na si Romano Vasquez. Hanggang Biyernes pa raw ang kanyang burol bago siya i-cremate. Kadalasan nga ganoon ang ginagawa ngayon, ang cremation ay sa gabi na pagkatapos ng huling lamay, kasi nga busy ang mga crematorium dahil sa COVID.

Maraming usapan tungkol sa maagang pagpanaw ni Romano, at sa palagay namin hindi pa matitigil iyan matapos na siya ay ilagak sa huling hantungan. Pero ibigay na natin ang kapayapaan sa kanya at ang hinihi­ling ring katahimikan ng kanyang pamilya.

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with