Alden, binubura pa rin ng fans ni Maine!
Naaliw kami sa aming napanood na video na tinakpan ng fan ni Maine Mendoza ang face ni Alden Richards doon sa video na sinabi ni Vice Ganda na gusto niyang makasama sa pelikula sina Alden at Maine. In-edit din ang video at pati pagbanggit sa pangalan ni Alden ay nawala.
Sabagay, hindi ito dapat ikagalit ng fans ni Alden dahil siguradong ganu’n din ang ginawa nila sa picture ni Maine nang i-post ang nasabing video na tsikahan nina Vice at Dr. Vicki Belo. Tinakpan din tiyak nila ang face ni Maine at picture lang ni Alden ang inilabas.
Sa account lang ng AlDub fans kumpleto ang interview, hindi in-edit ang mukha nina Alden at Maine at nabanggit din ang pangalan ng dalawa.
Naikuwento rin pala ni Vice na tuwing nagkikita sila ni Alden, lagi siyang nagpapa-picture sa aktor. Kaya nga ang wish nito, makasama na niya sa pelikula si Alden at si Maine at tiyak, araw-araw may mangyayaring kodakan sa kanila ni Alden.
Lloydie, may napili nang kapareha
Ilang araw nang nabalitang gagawa ng teleserye sa GMA 7 si John Lloyd Cruz at sina Marian Rivera at Bea Alonzo raw ang makakasama nito. Walang reaction dito ang GMA 7, pero noong isang araw, lumabas ang Zoom meeting ni JLC kasama ang bossing ng Kapuso network na sina Atty. Annette Gozon-Valdes at. Ms. Lilybeth Rasonable.
Kasama rin sa Zoom meeting ang bossing ng GMA Entertainment Group, production head, at scriptwriters. Iba ito sa grupo ng sitcom ni JLC na Happy ToGetHer, kaya naniniwala ang fans na para sa drama series ang Zoom meeting na ‘yun.
Kanya-kanya na ang fans kung sinong Kapuso actress ang gusto nilang makapareha ni JLC and of course, gusto pa rin nilang si Bea ang makapareha ng aktor sa muli niyang paggawa ng drama series. Kaya lang, ang dinig namin, may napili nang makapareha si Bea sa gagawin nitong series sa GMA.
DongYan, hinihintay magparamdam
Nagparamdam na sa Instagram sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na matagal nang hindi nagpo-post. Si Marian ay last Dec. 31, 2021 pa ang last post kasama si Dingdong at bumati ng Happy New Year sa kanyang followers.
Si Dingdong, Jan. 9, 2022 ang last IG post ng photo nila ni Beauty Gonzalez sa I Can See You: AlterNate. Pagkatapos nito, nanahimik na ang mag-asawa.
Kahapon, may post na sina Marian at Dingdong, pero sa IG story lang nila. Si Marian tungkol sa ice cream ang post at si Dingdong, larawan ni Jessica Soho sa katatapos na Presidential Interviews ni Jessica ang pinost. Para siguro walang intriga, hindi nag-post si Dingdong ng photos nina VP Leni Robredo, Manila City Mayor Isko Moreno, Sen. Manny Pacquaio, at Sen. Ping Lacson.
Heart, speechless sa fan na nagpa-tattoo ng kanyang pangalan
Panalo si kuya na fan ni Heart Evangelista dahil ipina-tattoo ang pangalan ni Heart sa kanyang jawline. Kumpleto ang pangalan ni Heart sa tattoo, ang “Heart” nasa right jaw at ang “Evangelista” ay nasa left jaw.
Sabi ni Heart, “wow this is intense. I am flattered in major way... I don’t know what to say... all I know is he beat my husband!”
Sayang at walang larawan si kuya na buong mukha niya ang makikita at hindi rin nakuha ni Heart ang pangalan ng kanyang number one fan. Tama ba kami na first time for a local artist na may fan na nagpa-tattoo ng pangalan ng hinahangaan nilang artista sa jawline?
- Latest