^

Pang Movies

Alden at Bea, may ka-love triangle sa teleserye!

Gorgy Rula - Pang-masa
Alden at Bea, may ka-love triangle sa teleserye!

MANILA, Philippines — Halos magkakasunod na magbabalik-taping ngayong linggo ang mga bagong drama series ng GMA 7.

Finally, papasok na sa lock-in taping ang Love You Stranger nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.

Ganundin ang Lolong ni Ruru Madrid, at panay nga ang post ni Ruru na naiinip na sa kanyang hotel quarantine.

Ngayong linggo na rin magbabalik ang Artikulo 247, at pati ang First Lady ni Sanya Lopez.

Ang hindi lang makakabalik pa sa taping ay ang Voltes V: Legacy dahil sa may bata silang bahagi ng cast, si Raphael Landicho na gumaganap bilang si Little John.

Kaabang-abang itong Voltes V dahil dito masusubukan kung tatanggapin ang tambalang Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega.

Marami pang mga bagong mukha na pinagkatiwalaan ng mahahalagang role gaya nina Radson Flores at Matt Lozano.

Samantala, napag-alamang natuloy na pala ang meeting ni John Lloyd Cruz sa Creative ng GMA 7.

Maganda raw ang inilatag na show na gagawin niya, at nagustuhan ito ng aktor. Wala pa namang detalye kung anong klaseng drama series ito, at kung sino ang makakasama niya.

Masaya ang GMA 7 sa Happy ToGetHer ni Lloydie dahil maganda ang feedback at consistent na mataas ang rating.

Ang isa pang nasagap namin ay kasado na rin daw ang drama series na gagawin ni Bea Alonzo.

Binanggit naman ni Bea na magsasama sila ni Alden Richards sa isang programa kaya maaring sila nga ang magsasama sa first series niya sa GMA 7.

Pero ang isa pang nasagap namin ay may ka-triangle daw sila rito. Hindi lang nilinaw kung aktor o aktres ang madadagdag sa main cast.

Basta adapted daw ito sa isang sikat na Korean series.

Dalawang lalakeng personalidad, tuluyan nang nasira ang pagkakaibigan

Tuluyan nang nasira ang magandang friendship ng dalawang kilalang male personality.

Nakakapanghinayang dahil okay naman ang samahan nila noon, at nagsama pa nga sila sa isang business venture.

Kaya nasabi ng aming source na hindi na naibalik ang magandang friendship nina male personality A at male personality B  dahil wala na raw sa bahay ni male personality B ang painting na ginawa ng dating kaibigan.

Magaling palang magpinta si male personality A at binigyan niya ng sariling painting ang kaibigang male personality B.

Nakikita raw ito sa malaking bahay ni male perso­nality B. Wala na ito ngayon at pinalitan ng maganda ring painting ng sikat na pintor.

Sayang! Balak ko ngang hingin na lang ang pain­ting na ‘yun, kung ‘di na type ni male personality B na ilagay sa napakalaki niyang bahay.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with