^

Pang Movies

Nadine, may bagong dragon!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Naikonek sa 2011 thriller/mystery movie na The Girl with the Dragon Tattoo si Nadine Lustre.

Ito ay matapos kumalat sa social media ang kanyang bagong tattoo sa braso na dragon.

Ang bilang ng fans, more than 10 na ang tattoo ni Nadine sa katawan.

Wala na sa Facebook ang original upload ng nasabing photo ni Nadine.

Sila na ba uli? Kris, ibinalik sa IG si Mel?!

Ahh nagkabalikan ba sina Kris Aquino and Mel Sarmiento?

May photo na niya uli sa IG ni Kris.

Kaya ang comment ng iba, ‘simbahan is waiting.’

Meron ding nagtatanong kung ok na ba ulit o puwede na ba ulit, pero wala pang reaction si Kris habang sinusulat namin ito.

Though may iba ring negative ang reaction at ang bilin kay Kris ‘guard your heart.’

Comment pa ng iba, hindi ‘Better Man’ na title na kanta ni Taylor Swift na isa sa mga post na visible na uli, kundi si God, ang kailangan ni Kris.

January 3 nang kumpirmahin ni Kris na split na sila ng fiance na inaming nagkaroon ng bubble fatigue.

January 12 naman ang last post ni Kris kung saan nga niya sinabi na malayo sa ok ang kanyang kalusugan.

Naka-schedule umalis ng bansa si Kris para magpagamot sa ibang bansa.

Ang isang pang inaabangan ng netizens ay sina Diego Loyzaga and Barbie Imperial.

Pansin kasi ng fans nila na kanya-kanya muna sila sa social media.

At ang last post nila na magkasama, noong December 12 pa, anniversary nila.

Pero wala pang nagsasalita tungkol sa kanila or nagpo-post ng statement sa kanilang social media accounts.

Belle, ‘di makapaniwalang may solo concert na

Super tren­ding si Belle Mariano habang ginaganap ang media conference ng first solo concert niyang Daylight the other day.

“Grabe po, as in hindi pa rin ako makapaniwala, everyday I’m just grateful. Despite the anxiety because I’ll be perfor­ming nga, it’s more of excitement kasi magagawa ko na ‘yung pinapangarap ko,” pahayag ng Kapamilya ri­sing star tungkol sa kanyang nalalapit na digital concert.

Magaganap ang Daylight: The Concert on January 29 (Saturday), 8 PM.

Before this concert ay trending na rin ang loveteam nila ni Donny Pangilinan.

Kaya naman very happy siya sa takbo ng career niya at wala siyang gustong baguhin dito.

Pero iba raw talaga ang pakiramdam niya sa Daylight concert dahil fulfillment talaga ito ng mga pangarap niya. “Ten years ago siguro  hindi ko nakikita. Grabe iba talaga ‘yung pakiramdam. I’m just so grateful na nabibigyan ako ng ganitong opportunities,” sabi ni Belle.

Dahil din sa mabilis na takbo ng career niya ayaw na nitong paapekto sa mga basher. “Just never let the negativity affect you. As long as you know your core and as long as you always seek the daylight. Surround yourself with positive people,” sagot ng young actress na gusto ring mag-try ng birit prod “kahit hindi ako marunong bumirit. Pero why not! Dance and sing din siguro kasi hindi ko pa nagagawa.”

Nagpatikim din siya sa mga bagong areglo ng mga kanta na aawitin niya sa concert sa ginanap na media conference. “Meron akong different takes, hindi siya ‘yung usual na naririnig natin. Babaliin namin so I’m really excited and sana magustuhan ng mga mano­nood.”   (SUNDAN SA PAHINA 6)

Bukod sa solo performances, dapat ding abangan ang mga kolaborasyon ni Belle kasama ang mga guest niya, kabilang na ang mga kapwa ABS-CBN artists niyang sina Trisha Denise, SAB, at Jayda, na nagsulat lahat ng mga awitin para sa album niya.

Makakasama rin niya sa stage sina Kyle Echarri at OPM band na Ben&Ben, pati na rin siyempre ang on-screen partner niyang si Donny Pangilinan na makakasama uli niya sa ikalawang season ng He’s Into Her.

Mabibili pa rin ang regular tickets para sa Daylight: The Concert sa halagang P195 na nagbibigay access sa main concert link, pero sold out na noong Disyembre ang SVIP at VIP tickets na nagkakahalaga ng P795 at P495.

vuukle comment

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with