^

Pang Movies

Greta, tinambakan ng bigas ang mga frontliner

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Full blast uli ang pag-ayuda ni Gretchen Barretto. At this time sa mga frontliner naman.

Kahapon ay nagpadala siya ng maraming bigas sa frontliners ng San Lazaro Hospital.

At pinadalhan niya rin ng wheelchair ang entertainment writer na si Jerry Olea at isa pang sumulat para humingi nito. Medyo nabaling sa Visaya ang atensiyon ni Gretchen nang tamaan ng bagyong Odette, pero pagkatapos ng malaking tulong niya sa mga biktima ng bagyo, heto na naman siya at binabasa ang mga sumusulat at humihingi ng tulong sa pamamagitan ng Team Gretchen, sila Ana Abiera, Ms. Rusky Fernandez at Francis Simeon.

Kaya naman ang dami na naman masayang tao na natutulungan ni Santa Klaus Gretchen. Walang tatalo sa pagtulong ni Gretchen  na talagang ang laki ng budget sa charity ha.

Jugs, nagsalita sa power tripping ni Vice

Na-appreciate ko iyon comment ni Jugs Jugueta sa IG post ko about Vice Ganda, na lumabas din dito sa column ko sa Pilipino Star NGAYON.

Sabi niya, hindi totoo ang mga kumakalat na balita na marami ang discontented dahil sa mga nagaganap na power tripping sa It’s Showtime.

Ayon kay Jugs, happy lahat sila sa Showtime.

Well and good. Mabuti naman kung totoo dahil sayang din ‘di ba, medyo matagal na rin ang Showtime sayang kung mawawala ito dahil lang may gustong mag-power trip.

Lalong sayang kung babagsak si Vice dahil lang sa pagbabago ng ugali eh bihirang mangyari na nagkaroon ng celebrity na tulad niya na tinanggap ng publiko.

Dapat talaga na maging maganda ang samahan nila dahil araw-aw silang magkasama, dapat para na silang magkapatid.

Puwede naman kasi na mali ang information na nakuha namin, at puwede naman itong ituwid.

vuukle comment

GRETCHEN BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with