^

Pang Movies

Zanjoe, isang beses pa lang nagseryoso sa babae  

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Zanjoe, isang beses pa lang nagseryoso sa babae               

Obviously, Salve A., at 39, hindi pa naranasan ni Zanjoe Marudo ang umibig sa dalawang babae. Magkasabay. At both intensely.

Kung sabagay, laking probinsya si Zanjoe, kung saan din siya ipinanganak.

The place? Tanauan, Batangas.

So far din, ang alam ng lahat sa showbiz, sa iisang babae rin lang siya na-involve seriously.

Bea Alonzo, that is.

No wonder, traumatic somehow raw ang naging experience niya playing the role of a husband, na may ‘kabit,’ kumbaga, na by the time this issue comes out, posibleng isinahihimpawid na.

We are referring, of course, to the series, The Broken Marriage Vow, where Zanjoe plays husband to Jodi Sta. Maria, na kapag sinasaktan, simply dahil may ‘other woman’ siya, played equally well by Sue Ramirez.

No one can argue how good an actress Jodi is. At, in fairness, kahit ang dating child actor na si Zaijian Jaranilla, na ngayon ay binatilyo na, who plays his and Jodi’s son, performed equally well.

“I’m glad kasama ako sa series na ito, na tunay na maipagmamalaki ko,” ang seryosong wika ni Zanjoe.

Directing The Broken Marriage Vow are Connie Macatuno at Andoy Ranay.

Jillian, pag-aagawan ng mga binatilyo

Magkakaroon na ng kanya-kanyang love interest ang tatlong young stars na sina Althea Ablan, Jillian Ward at Sofia Pablo sa Book 2 ng Prima Donnas.

Si Gina Alajar pa rin ang direktor, plus Philip Lazaro.

Well, the three new leading men are Bruce Roeland, Allan Ansay and Will Ashley.

In a special role is Vince Crisostomo, na makakaagaw ni Will sa panliligaw kay Jillian.

Kasama pa rin sa cast si Wendell Ramos, as the tremendously moneyed father ng tatlong kabataang babae.

Sanya at Rabiya, may tapatan!

Si Sanya Lopez pa rin ang primary leading lady ni Senator Bong Revilla sa Book 2 ng Agimat ng Agila.

Ganunpaman, makakaagaw-pansin niya si Rabiya Mateo, hindi lang dahil former beauty queen ito, kundi ang gaganda ng mga eksenang gagawin niya sa action series.

Maraming action scenes si Rabiya, na dahilan kung bakit bago mag-shoot for the action series, nag-training muna siya from the expert, kumbaga.

Preparation na rin daw ito ni Rabiya sa susunod niyang movie with Senator Bong, where, mostly, she will play action scenes with him.

Well, good luck, Rabiya.

Jessica, dalawang oras ang interbyu sa Presidentiables

Isa ako, Salve A., sa tutok sa programang The Jessica Soho Presidential Interview, which GMA News and Public Affairs will feature Saturday, Jan. 22.

Sa nabanggit na show kasi, isa-isang iinterbiyuhin ng kilala at magaling na TV host na si Jessica ang diumano’y lahat ng Presidentiables.

Two hours daw magtatagal ang nabanggit na interbiyuhan na mapapanood sa lahat platforms ng GMA.

The interview will be shown worldwide.

Magsisimula raw 6:15 p.m. ang show.

vuukle comment

ZANJOE MARUDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with