^

Pang Movies

Nagsalita sa pre-nup Ellen, sinagot na hindi sila lugi sa isa’t Isa ni Derek!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Nagsalita sa pre-nup Ellen, sinagot na hindi sila lugi sa isa�t Isa ni Derek!            

Sinagot na ni Ellen Adarna ang matagal nang tinatanong sa kanya ng mga tao kung may pre-nuptial agreement sila ng mister na si Derek Ramsay.

Nagpa-Q&A si Ellen sa kanyang Instagram at isang netizen ang nagtanong tungkol sa pre-nup. “I know both you and your husband are both well off but did you guys ever consider pre-nup agreement?” ang tanong ng netizen.

“So many people ask me and Derek this and this is a very personal question,” simula ni Ellen.

“So, let’s put it this way,” patuloy niya. At pagkatapos ay sinagot niya ang tanong in Bisaya na ang ibig sabihin ay “hindi ako lugi kay Derek at hindi rin siya lugi sa akin, so patas ang show!”

Angeli, kinakabahan ‘pag nakikilala sa labas

Thankful and happy ang Vivamax K-crush na si Angeli Khang na dahil sa mga sunud-sunod niyang projects sa Viva ay nakikilala na siya ng mga tao. “May mga tao na nakikilala na ako, minsan kahit nag-grocery lang ako or naglalakad lang,” ani Angeli sa digital mediacon kahapon ng bagong pelikulang pinagbibidahan niya, ang Silip sa Apoy.

At dahil hindi pa nga siya sanay sa bagong nararanasang atensyon mula sa mga tao, hindi raw niya alam kung paano magre-react. Natatakot daw kasi siyang ma-bash kung may magawa siya or masabi siyang mali. “Hindi ko alam kung magha-Hi ako or hindi. ‘Pag nagsalita ako, hindi naman ako kinakausap. Or kapag hindi naman ako nagsalita, sasabihan akong snob,” aniya.

Aminado siyang hindi siya makaarte nang natural dahil nga nako-conscious siya at ito ang gusto niyang maikorek. “One day, sana masanay ako na kapag nakikilala ako ng mga tao is maging grateful ako and just be myself,” she said.

Thankful din ang sexy star na simula nang mag-artista siya ay nakakatulong na siya sa kanyang ina na mabayaran ang kanilang utang.

Sa Silip sa Apoy ay ang magaling na aktor na si Sid Lucero ang kapareha ni Angeli at sobrang honored siya na makatrabaho ito.

Directed by Mac Alejandre, mapapanood na sa Jan. 28 ang Silip sa Apoy sa Vivamax. Kasama rin sa pelikula si Jela Cuenca at Paolo Gumabao. Ito ay mula sa panulat ng award-winning writer na si Ricky Lee.

vuukle comment

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with