^

Pang Movies

Ruffa at Gretchen, nag-renew ng friendship!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Ruffa at Gretchen, nag-renew ng friendship!

Hindi naman siguro pag-aawayan nina Herbert Bautista at Ruffa Gutierrez na magkaiba ang kanilang susuportahang presidente. Si Herbert kasi, opisyal nang kasama sa 10 senatoriables sa tiket nina Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte.

Eh si Ruffa, si Sen. Manny Pacquaio ang susuportahan at batay ito sa nakikita naming mga larawan ni Ruffa kasama sina Manny at Jinkee Pacquiao at close ang pamilya ni Ruffa kina Manny at Jinkee.

Kaya nga, sana hindi maging isyu kina Herbert at Ruffa na iba ang susuportahan nilang presidente. All out naman ang support ng pamilya ni Ruffa kay pagtakbong senador ni Herbert.

May nadaanan pala kaming post ni Ruffa (hindi na namin makita) na pati siya pinadalhan ni Gretchen Barretto ng Love Box at parang nag-comment si Ruffa na they’re renewing their friendship. Nagkaroon ba sila ng isyu?

Kaya pala nag-comment si Gretchen ng emojis sa post ni Ruffa na nagpi-Pilates siya at ‘yung emoji post ni Gretchen ng red heart ay in-acknowledge ni Ruffa.

Rabiya, may suspetsa sa basher!

Sa Jan. 29, 7:15 p.m., na ang simula ng airing ng Season 2 ng Agimat ng Agila na muling pagtatambalan nina Sen. Bong Revilla at Sanya Lopez at kasama na nila si Rabiya Mateo.

Tama ang sinabi ni Bong na mas maaksyon ang Season 2 ng Agimat ng Agila dahil may barko pang sumabog at ang action scenes ni Bong at ni Rabiya, kaabang-abang.

Naku, malapit nang husgahan si Rabiya kung may ibubuga ba siya sa acting o tama ang basher niyang medtech na ambisyosa siya at lahat gustong pasukan at gawin. Sinagot ni Rabiya ang kanyang basher na ang paniwala ng iba niyang supporters ay kaibigan ng ex ni Rabiya dahil medtech at ang dating dyowa ni Rabiya ay nurse.

Gumaling ang asawa’t anak... Pia at Bunso, positibo rin

Kasabay ng balita ni Pia Guanio na guma­ling na sa COVID-19 ang asawa niyang si Steeve Mago at ang panganay nilang si Scarlet, sinabi rin nito na nag-positive rin siya (si Pia) at ang bunso nilang si Brooklyn.

“Together in sickness and in health. A day after @steevemago and @iamscarletmago got cleared for Covid, my youngest and I tested positive. But praise God that we are having it easy! And we got the best nurses who already know what to do to care for us.”

Marami ang nag-wish kina Pia at Brooklyn ng mabilis na pagga­ling at may friends siyang nagpadala ng oranges at calamansi for Vitamin C. Hindi naman nagwu-worry ang nagmamahal sa mga Mago dahil sa larawan, naka-smile sina Pia at Brooklyn at wala sa hitsura na sila’y may sakit.

Anyway, marami pa rin ang hindi sanay na wala na sa Eat Bulaga si Pia at sa Net25 na siya nagho-host ng Kada Umaga. Gustong malaman ng fans  kung bakit umalis sa EB si Pia at kung may chance pa siyang bumalik doon.

Rayver at Kylie, maglo-lock in na

Si Rayver Cruz at hindi si Ruru Madrid ang leading man ni Kylie Padilla sa pagbibidahan nitong teleserye sa GMA 7 na Bolera na pinaghahandaan na ang lock-in taping. Hindi pa kasi tapos ang taping ni Ruru ng Lolong, kaya kahit marami ang gustong ng tambalan nina Kylie at Ruru, hindi puwede.

Sa vlog na muna ni Ruru sila nagsama ni Kylie habang hindi pa sila puwedeng magtambal. Matiisin naman ang KyRu fans at pasasaan ba at matutupad din ang matagal na nilang hinihintay na muling pagtatambal nina Kylie at Ruru.

Billiard player pala ang role ni Kylie sa Bolera, hindi pa nabanggit kung ano ang magiging role ni Rayver. Kasama rin nila sa cast sina Gardo Versoza, Joey Marquez, at Jaclyn Jose.

vuukle comment

RUFFA GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with