^

Pang Movies

Alden, liberating ang karanasan sa pagiging producer!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Alden, liberating ang karanasan sa pagiging producer!

Three weeks ding naramdaman ni Alden Richards ang ma­ging normal.

Ito ay nang magbakasyon siya sa Amerika (Lake, Tahoe, California) kasama ang pamilya.

More than two years din siyang hindi naka-travel at first time niya ito ngayong pandemic.

Kumusta naman ang experience magbiyahe? “Masaya although ibang-iba na talaga ang setup, sa airport pa lang,” umpisa ng actor sa media conference ng ForwARd : Meet Richard Faulkerson docu-concert na gaganapin sa Jan. 30.

Pero ang nagulat siya, normal na raw doon at hindi na kailangang mag-mask ‘pag nasa labas ka lang. “Nagulat po ako kasi dun parang normal na po. Puwedeng wala nang face mask ‘pag pumasok ka lang sa store, dun mo lang kailangang mag-mask.”

Bukod sa nakasama niya ang pamilya, na-enjoy niya raw ang nasabing bakasyon dahil nga bumalik sa normal ang buhay niya. “Simpleng-simple lang ang pamumuhay ko for three weeks, yes bumalik ako sa normal na pamumuhay kasi walang nakakakilala. Ah meron naman po sa public places.

“Pero ‘yun naman ang objective ng bakasyon na to really normalize myself. Hindi muna artista dun, turista muna,” pag-aalala niya.

In terms of trabaho, hindi naapektuhan ng pandemya si Alden kaya talagang ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataong makapahinga.

Kaya ngayon, excited na siya sa mga gagawin sa taong 2022.

Bukod sa pelikula at teleserye, tutukan niya rin this year ang restaurant business niya dahil plano niya ngayong mag-expand.

“Ah kasi ngayon sa mga negosyong nasimulan ko po, we’re expanding na po this year, ‘yung restaurants and fast food chain na naitayo ko po so everything ay naka-focus / revolve sa investments this year. ‘Yun din po ang napagdesisyunan po ng kumpanya parang doon ang focus at hindi rin namin hahayaan ang pandemya na i-put on hold ang mga plano namin this year kasi marami na pong nawalang panahon, dalawang taon na,” sabi pa ng actor.

May isang nagsarang restaurant si Alden, ang Concha’s sa Quezon City pero may naiwan itong branch sa Tagaytay at meron din siyang McDonald’s sa Laguna.

Samantala, mapapanood sa kanyang ForwARd Meet Richard Faulkerson ang mga pangyayari sa buhay ni Alden na hindi alam ng karamihan ayon mismo sa actor.

Anyway, 100 percent ng kikitain sa concert na ito ay mapupunta sa kanyang scholar­ship foundation.

At hindi lang siya basta performer dito, siya rin ang producer. So gaano kahirap maging producer? “Ngayon ko na-realize na iba pala ang bigat ‘pag ikaw mismo ang nag-produce ng sarili mong project. I mean I was doing concerts nung nauna with GMA 7, sobrang ibang-iba po ang experience, parang top to bottom po involved po ako.

“It’s very liberating po na maging producer at naging double ang effort ko since alam ko po ‘yung pupuntahan at pagbebentahan ay mapupunta sa mga scholar natin,” pag-amin pa ni Alden sa ginanap pa ring media conference last Saturday afternoon.

Luckily, hindi pa man dumarating ang Jan. 30, sold-out na sila, directed by Frank Lloyd Mamaril.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with