^

Pang Movies

Kris, lumalaban!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kris, lumalaban!

Sana naman makaalis na para makapagpagamot na si Kris Aquino papuntang ibang bansa.

Talagang ‘yung pumayat ka nang ganun tulad niya lalo pa ngayon na scary magkasakit, talagang alarming.

Mabuti na nga lang at sure ako na mahuhusay at top of the line ang kanyang mga doktor dito sa atin, kaya bantay rin ang mga emergency na nangyayari sa kanya, 24/7 din ang private nurse ni Kris, on call lagi ang mga doktor niya, pero baka may dapat pang gawing further study sa kanya na sa ibang bansa lang puwedeng gawin.

Sabi nga ni Kris lalaban siya para sa dalawang anak niya, sina Joshua at Bimby. At tayo naman, dagdag dasal lang para sa kanya. Get well Kris, fighting!

‘ibang-iba na ang buhay...’

Lahat na ginulo ni COVID. Pati schooling ng mga bata, naiba dahil nga sa pandemic. Na-imagine mo ba na darating ang araw na hindi tayo puwedeng pumasok sa simbahan? Hindi puwede ang face-to-face classes, dapat lagi mong dala ang vaccination card mo.

Ibang-iba na talaga ang buhay natin after ng mga pangyayari. Pati ang dati na puno ng activities na election, ngayon walang mga kampanya, mga meeting de avance, wala ang house to house, kaya nganga ang mga kumakanta sa mga rally o kaya mga artistang isinasama ‘pag naglilibot ang mga kandidato.

Nganga ngayon ang lahat na inakalang kikita ng malaki pagdating ng election gaya ng dati. Isa siguro sa talagang pinaka-affected ang showbiz, kaya naman humbling reality check ang nangyari. Now higit na nakita na talaga dapat ingatan ang kinikita mo, dahil baka nga dumating ang mga ganitong pangyayari.

At sa nakikita natin, para yatang buong 2022 pa natin lalabanan ang COVID. God, help us overcome this, ang dami nang affected, nawawalan ng hope. Pero sure ako, nandiyan si God para gabayan tayo.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with