^

Pang Movies

Kylie, malalim ang hugot sa cryptic post kay Aljur?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Kylie, malalim ang hugot sa cryptic post kay Aljur?!

Sabi ng netizens, hindi mahirap hulaan kung para kanino ang cryptic post ni Kylie Padilla sa Instagram na “Your lack of empathy reflect on you not me, I just have to remember, My worthies not based on your closed mentality. I let it go, I set myself free. I don’t believe in regrets, But I regret having you as a memory.”

Nakasulat sa baba ang initial ni Kylie na “knp” kaya inakala ng mga nakabasa na galing sa kanya ito at hindi lifted from other people. Ang lalim ng hugot at kahit masakit, nagustuhan ang last line niyang “But I regret having you as a memory.”

Kung bibisitahin ang IG ni Kylie, ang lalim ng caption niya sa kanyang mga post at may matututunan ang mga Marites na magtsi-check sa post niya.

Bianca, bibida rin sa Mano Po

Nabanggit na sa mediacon ng Sparkle na si Bianca Umali ang Kapuso actress na magbibida sa second installment ng Mano Po Legacy: Her Big Boss. Nakumpirma na nga at nagsisimula na silang mag-taping ni Ken Chan na kasama niya sa episode at si Easy Ferrer ang director.

Kaya pagkatapos ni Barbie Forteza, si Bianca naman ang magbibida at may Chinese blood din ang makakapareha niyang si Ken.

First time magtatambal sina Bianca at Ken.

Sa mediacon pa rin ng Sparkle, nagpahayag ng excitement si Bianca sa pagkakasama raw along banner artists ng Sparkle. Lucky at blessed daw silang walo. “Very unexpected nang i-announce na I’ll be part of Sparkle, kaya I’m thankful. Ang daming tao na gusto ang oportunidad na ito at isa ako sa napili. I’m very excited to start,” sabi ni Bianca.

In fact, hindi lang ang Mano Po Legacy ang mga project ni Bianca sa GMA 7 this year at sa mga susunod pang taon.

Sheryl, ayaw pag-usapan si Jeric

Pinost ni Sheryl Cruz sa Instagram ang mensahe ng tita niyang si Susan Roces sa pagiging batas renaming Roosevelt Avenue as Fernando Poe Jr. Ave­nue. Sabi kasi ni Ms. Susan, “Maraming salamat sa inyong pagkilala at pagpapahalaga sa aking kabiyak sa pagpapangalan sa kanya ng FPJ Avenue.”

Si Sheryl, puro hashtag ang reaction sa magandang pangyayaring ito.

Speaking of Sheryl, ipinakilala nito ang karakter sa Book 2 ng Prima Donnas na “Ang bagong mukha ng kontrabida,” kaya i-expect na ng Kapuso viewers na guguluhin ni Bethany Howards (name of her character) ang mga Claveria.

Nasa IG din ni Sheryl ang write-up sa sagot niya kung nag-iingat ba siya sa lock-in taping para hindi muling maintriga. Kahit hindi binanggit ang pangalan ni Jeric Gonzales, nakuha agad ng aktres na ang isyu sa kanila ni Jeric ang tinukoy.

Sabi ni Sheryl, “Actually, matagal na akong maingat kahit tanungin mo sa mga kasamahan ko. I don’t think na kailangan kong mag-ingat or... kasi hindi naman talaga ako mahilig sa eskandalo.”

Eugene, magho-host ng Family Feud?!

Tinanong si Eugene Domingo ng isa niyang follower sa Instagram kung ano ang bago niyang show dahil nga ibinalita nitong wala na ang weekend series niyang Dear Uge na nagsimula noong February 2016. Hindi sinagot ni Eugene ang tanong ng kanyang followers, hindi tuloy nakumpirma kung totoong may bago siyang show.

At ang sinasabing bagong show ni Eugene at kapalit ng mawawalang Dear Uge ay ang Family Feud na isang game show. Hindi na bago kay Eugene ang maging host dahil siya ang naging host ng comedy game show na Celebrity Bluff.

Samantala, marami ang kinilig sa post ni Eugene na photo nila ni Danilo Bottoni na may caption na “May you always be with the one you love.” Walang location ang post ni Eugene, hindi alam kung sa Pilipinas ba ito o sa Italy, ang bansa ni Danilo.

vuukle comment

KYLIE PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with