^

Pang Movies

Alma, iisa ang naging kapalaran sa lalaki!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Alma, iisa ang naging kapalaran sa lalaki!

Walang pinagsisisihan ang dating sexy star at former politician na si Alma Moreno sa mga lalaking minahal niya in the past at mga ama ng kanyang mga anak. “During the time naman na kami ay totoong nagmahalan kami,” pag-amin ni Ness (palayaw ni Alma).

Walang gaanong nakakaalam na ang unang boyfriend ni Ness ay ang yumaong singer-actor at matinee idol na si Walter Navarro pero hindi ito gaanong tumagal dahil pareho pa sila in their teens at closely guarded umano siya ng kanyang Mama Jean.

Ang yumaong action star na si Rudy Fernandez ang kanyang first serious love at nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng isang anak, ang actor na si Mark Anthony Fernandez. Inamin ni Ness na nagtanan umano sila noon ni Daboy (palayaw ni Rudy) pero binawi umano siya ng kanyang inang si Mama Jean.

She was also at the peak of her popularity nang maging sila ni Daboy. Sa kalaunan ay nagkahiwalay sila ni Daboy na later on ay nag-asawa naman kay Lorna Tolentino at nagkaroon sila ng dalawang anak – sina Rap-Rap at Renz. Si Ness naman eventually ay naging longtime partner ng comedy king na si Dolphy kung kanino naman siya may isang anak, ang actor-comedian at politician na si Vandolph.

Nang magkahiwalay sina Ness at comedy king na si Dolphy, nanligaw naman kay Ness ang actor-comedian at dating politician na si Joey Marquez hanggang sa sila’y magpakasal. Ang dating mag-asawa ay nagkaroon ng apat na anak – sina Yeoj, Winwyn, Vitto at MM. Pero tulad ng mga naunang relasyon ni Ness ay nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang pagsasama ni Joey but they parted as friends kaya hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin sila.

Muling nag-asawa si Ness, this time sa dating mayor ng Marawi na si Sultan Fahad `Pre’ Salic kung kanino naman siya may isang anak, si Alfa (12).

Puring-puri ni Ness ang kanyang ex-partners at ama ng kanyang pitong anak na sina Mark Anthony Fernandez, Vandolph Quizon, Yeoj, Winwyn, Vitto at MM Marquez maging ang kanyang bunsong anak na si Alfa. Bukod sa mga anak, may pitong apo na rin ang aktres mula kina Mark (3), Vandolph (3) at Yeoj (1) na madadagdagan ng isa pa (a girl) kapag isinilang na ni Winwyn ang kanyang unang baby sa kanyang non-showbiz partner.

Si Ness ay nasa pangangalaga ngayon ng Viva along with her sons na sina Mark Anthony Fernandez, Vandolph Quizon at Vitto Marquez.

TVJ, naka-limang dekada na

Si Senate President Tito Sotto ang nagbalita na this year ang ika-50th anniversary ng Tito, Vic & Joey  (TVJ) na nagsimula sa dating gag show na Okay Lang kung saan din nila dating kasama ang eldest brother nila na si Val Sotto maging ang yumaong radio announcer at TV comedian na si Ricky Manalo. Ito’y sinundan ng Iskul Bukol sitcom in 1978 at taong 1979 naman ang Eat Bulaga.

Ayon kay Tito Sen, sobra na umano ang lalim ng kanilang pagkakaibigan at higit pa umano sa magkakapatid ang turingan nila ni Joey.

Ang Tito, Vic & Joey ang pillars ng Eat Bulaga na nagsimula sa ere nung July 23, 1979 kung saan binata pa noon si Vic.

Ayon kay Tito Sen, balak umano ng TAPE, Inc. (producer ng Eat Bulaga) na magkaroon ng TV special ang TVJ bilang selebrasyon ng kanilang ika-50th anniversary.

Sa kanilang tatlo, tanging si Tito Sen lamang ang pumasok sa pulitika pero strong supporter naman niya sina Vic at Joey.

Although bihira nang mapanood si Tito Sen sa Eat Bulaga liban sa mahahalagang okasyon, hindi maikakaila na wala umanong TVJ kung walang Eat Bulaga at walang Eat Bulaga kung wala sina Tito, Vic & Joey.

Now on their 42nd year, ang Eat Bulaga ay ang longest top-rating noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

vuukle comment

ALMA MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with