^

Pang Movies

‘Marites’, nanganak ng maraming kamag-anak

Salve V. Asis - Pang-masa
�Marites�, nanganak ng maraming kamag-anak

MANILA, Philippines — Sa pagtatapos ng 2021, ang salitang ‘Marites’ ang puwedeng ­ideklarang ‘word of the year.’

Ang Marites ay pinaiksing ‘Mars Ano Ang Latest!’

At hindi lang mars ang sinasabing miyembro nito, ma­ging si President Duterte ay nakasama sa listahan diumano ng mga elite circle ng Marites.

Ito ay nang mag-blind item ang pangulo tungkol sa isang presidentiable na diumano’y nagko-cocaine na hindi niya pinangalanan kahit na nga malakas ang ‘clamor’ na banggitin niya ang pangalan nito.

Maging si Kim Chiu ay napabilang sa elite circle nang i-post niya sa kanyang social media account ang pagtatanggal ng photo ni Bea Alonzo sa hallway ng ABS-CBN.

Animo’y tumatawa pa noon si Kim na sabi nga nila, malamang wala sa loob ni Kim na mamasamain ng marami ang nasabing post niya habang nagjo-joke sila ni Amy Perez na kasama niya sa It’s Showtime na baka sila na ang susunod.

Pero siyempre, ang sinasabing mga reyna at leader ng mga-Marites, ang mga beteranang TV / digital talkshow host na sina Cristy Fermin and Lolit Solis.

Tanggap nina Manay Lolit at Manay Cristy ang nasabing trono.

Na at least daw hindi sila followers, leader sila ng mga mars na libangan ang makarinig ng latest sa showbiz.

“At least leader, hindi kami followers,” sagot ni Nay Cristy nang tanungin ko anong masasabi nila sa bagong title nila.

“At saka bakit sila basa nang basa ‘yun pala naiirita sila sa tsismis namin? Gusto lang nila itsismis namin buhay nila, e wa silang name. ‘Di ba, wa silang name, paano namin sila itsitsismis? Walang babasa sa kanila,” hirit naman ni Nay Lolit na magkasamang napapanood every Tuesday, 12:00 to 1:00 p.m. sa Facebook and YouTube page ng Pilipino Star NGAYON with Mr. Fu sa digital talkshow na Take It... Per Minute, Me Ganun.

“Naku, day. Hindi na namin sila kailangan ni Cristy sa career namin ‘no. Dyosko, pampagulo lang sila sa buhay namin,” buwelta uli ni Nay Lolit.

“At kung papatulan ba namin sila, bababa ba ang presyo ng gas na linggu-linggong tumataas? Ni hindi nga namin sila kilala. ‘Pag nagutom kami bukas, kami pa rin ang bibili ng pagkain namin,” sagot uli ni Nay Cristy.

Dagdag pa ni Nay Lolit : “Ang pinapatulan ko lang, may pera. May pera ba sila? Mabibigyan ba nila ko ng datung.”

At pahabol ni Nay Cristy : “Hay naku, mauubos ang oras n’yo, never ko kayong papansinin.”

Hanggang nanganak na nga ang Marites.

Nagkaroon ng asawa, anak, apo at kung anu-ano pa.

Pinanganak ang Mosang (tsismosa)

Lumabas din ang Marietta, (Mare, ito pa).

Hanggang pumasok ang Marisol (Mareng tagasulsol).

Marissa (Mare, isa pa).

Maris ( Mare, ano ang tsismis)

Marina (Mare, ano na?)

Mariposa (Mare, post mo na).

Marissa - mare may isa pa

Maricar - mare kararating lang

Maricon - mare confirmed

Marina - mare ano na

Marison - mare sundan ko chika mo

Marife - mare feram pera

Maricris - mare crisis ngayon

Maricel - mare pa cancel

Maribeth - mare sino ang kabet

Marivic - mare pavictim

Marian - mare ayan na

Maribel - mare bili moko nyan

Marilou - mare luto na ba

Mariana - mare tama na

Marichu- mare echusera

Marinela - mare anong sabi nila

Marikit - mare pag inggit pikit

Maripaz - mare pasa mo na chika

Hahaha.

May Hotel Marites na sa kasalukuyan at maraming nagsasabing sila ang ‘real marites.’

Naunang pinagpiyestahan ng Marites nang sumabog ang kuwento kina Paolo Contis, Yen Santos and LJ Reyes.

Kanya-kanyang upload ang mga Marites nang makitang magkasama sa Pangasinan at Baguio sina Paolo and Yen.

Ito ay pagkatapos magpa-interview ni LJ kay tito Boy Abunda na umiiyak at inaming hiwalay na sila ni Paolo.

Pero hanggang ngayon walang inaamin sina Paolo and Yen. Pinanindigan ni Paolo na ‘friends’ sila ni Yen  at as friend lang nang mag-Baguio sila.

“Yen Santos - She was never the reason of our break up. I was. Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ, it was mainly because of me. Masyado niyo siyang diniin sa issue na to. Pati pag promote namin ng movie nabahiran na ng kung anu ano.

“Baguio - When LJ left for the States with the kids, I went to Baguio for 3 days dahil ayaw ko sa Manila at gusto kong makapag isip isip. Naging insensitive ako about the possible effects nung issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din. She went there as a friend. Hindi ko naisip na madadamay siya ng ganito. I’m sorry for this,” bahagi ng paliwanag noon ni Paolo.

Habang si LJ ay nasa New York na kasama ang dalawang anak na sina Aki and Summer.

Ang mga Marites at mga kamag-anak nito ang sinasabing nagpa-ingay din sa hiwalayan nina Aljur Abrenica and Kylie Padilla na sangkot si AJ Raval.

Naunang nagsalita si Aljur tungkol dito kung saan sinabi niyang si Kylie ang nauna kaya sila naghiwalay.

Ganundin kina Diego Loyzaga and Barbie Imperial na diumano’y imbento pala ang mga pasabog ng nagpapanggap na Marites. At ang sangkot na pangalan, si AJ Raval din.

But anyway, epekto pa rin ang lahat ng ito ng pandemya kung saan talagang nag-iba ang buhay ng lahat dahil sa maraming beses nag-lockdown at matagal pinagbawal na lumabas ng bahay.

Maraming naboryong, maraming nainip, at walang magawa sa buhay.

Kesa magkaroon ng anxiety, naging Marites na lang.

Kaya sa mga solid ‘Marites’ ipagpatuloy natin ‘yan. Cheers. Happy 18th anniversary (PM) Pang-Masa.

vuukle comment

MARITES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with