^

Pang Movies

Issue sa party nabuhay Bea, hindi raw kayang makaharap si Rayver?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Issue sa party nabuhay Bea, hindi raw kayang makaharap si Rayver?!

Nagpalitan na ng I do sina Andrei at Camille (Paulo Avelino and Janine Gutierrez) pagkatapos nilang magpakasal sa isang simpleng civil wedding sa Kapamilya teleseryeng Marry Me, Marry You, na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.  Kaya naman nabuhay na naman ang isyu sa hiwalayan nina Janine and Rayver Cruz.

May nagsabing nagkabalikan diumano sila pero nanatili silang tahimik. Meron din naman nagsabing hindi totoo ang nasabing reconciliation.

Pero ang isang sigurado diumano ay tinanggihan talaga ni Bea Alonzo si Rayver dahil BFF nga ito ni Gerald Anderson.

Kung maaalala raw, sa birthday party ni Rayver unang nakunan na magkasama sina Gerald and Julia Barretto na ginanap sa isang sosyal na bar sa Taguig. Kaya malabo diumano talagang tanggapin ni Bea ang nasabing mini-series sana ka-partner si Rayver dahil friends din noon ni Rayver sina Gerald and Bea.

Fans excited kay Marian

“I have arrived!,” update ni Marian Rivera pagdating na pagdating niya sa Israel early evening dito sa atin kahapon.

Kasamang lumipad sa Eilat, Israel, ni Marian si Dingdong Dantes last Monday night.

Nauna nang sinabi ni Marian na magiging busy siya pagdating ng Israel.

At sa arrival outfit lang niya, winner na.

Marami ngang excited sa nasabing participation ni Marian sa selection committee ng 70th Miss Universe kung saan pambato ng bansa ang bisexual na si Beatrice Luigi Gomez.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with