^

Pang Movies

Maine, sasama kay Sylvia?!  

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Maine, sasama kay Sylvia?!         

Purnada, Salve A., ang balak sana ng aktres na si Sylvia Sanchez na mamahinga, after ng kanyang performance na napakatindi at nakakapagod daw na role sa labis na hinangaang series ng Kapamilya, Huwag Kang Mangamba.

But as Sylvia herself said, huwag daw mangamba dahil ang pagkakabisihan niya, henceforth, ay ang kandidatura ng panganay na anak na lalaki, si Arjo Atayde, na mahusay na aktor din.

Arjo, as in now common knowledge, is running for Congressman for the first district of Quezon City.

Tiyak na ang makakasama ni Sylvia sa kanyang pangangampanya for Arjo ay ang popular na Daddy’s Gurl ni Vic Sotto, who else but Maine Mendoza.

Arjo, in an interview with TV host Julius Babao, ay umaming in a serious relationship sila ni Maine.

At tiyak, sa kasalan daw mauuwi ang kanilang relasyon.

Helen, pambahay ang pamasko

Ang agang namigay ng Pamaskong handog si Helen Gamboa. Pambahay ang kanyang regalo, kaya buong taon lagi mo siyang maaalala.

Isa sa pinaka-thoughtful na artista si Helen, kahit noong kasikatan niya as a dance and song queen.

Now in her 70s, ang ganda pa rin niya, bagama’t she’s better known now as the plain maybahay ni Senate President Tito Sotto, who, we should not forget, is running in the coming elections, bilang Vice Presidentiable.

Hers and Senator Tito’s only son naman, Gian (Sotto) is a reelectionist for Quezon City vice mayor.

Vice Mayor Gian’s mayoral candidate is, of course, Joy Belmonte.

Vilma, suportado sina Edu at Cherry Pie

Happy rin daw si Star for All Seasons at aktres na si Vilma Santos-Recto sa pagkakaroon ng bagong pag-ibig ng kanyang dating mister na si Edu Manzano.

They look good together, komento pa raw ni Ate Vi sa bagong parehang sina Edu at Cherry Pie Picache.

Sana raw magkatuluyan ang dalawa, na kasaluku­yang nga raw nasa Amerika at “namamasyal.”

Well, comment na nga lang talaga pala ni Maricel Soriano ang hinihintay ng madla.

As is common knowledge, they were legally wife and husband before.

As for Cherry Pie’s former partner, Gary Tria, ayos daw ang hiwalayang namagitan sa kanila.

Na naganap daw in 2006 pa.

They have a son together, Nio, na malaki na rin.

vuukle comment

SYLVIA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with