^

Pang Movies

Sylvia, champion ang ugali!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Isa si Sylvia Sanchez sa mga artista na dapat tularan ng marami.

Iginagalang ng lahat ang husay niyang umarte, pero higit sa lahat iyon ganda ng ugali niya. Kaya naman hindi nahirapan ang mga anak nilang sina Arjo at Ria Atayde nang pumasok sa showbiz dahil nga sa talagang minahal agad sila ng mga kasama dahil sa husay makisama ng kanilang mother na si Sylvia.

Talagang mula sa ibaba pataas ipinakita ni Sylvia na kung gusto mong igalang at mahalin ka ng mga kasama mo, nasa sa iyo ang lahat ng paraan.

Malaki rin ang nagawa ng partner niya sa buhay na si papa Art na mula noon hanggang ngayon ay iginagalang ng mga taga-showbiz. Palagay ko, ito rin ang magiging dahilan para magwagi si Arjo Atayde sa laban niya sa pulitika sa District 1 ng Quezon City. Ang magic charms ng mother niyang si Sylvia na talagang mahirap labanan ng iba. Go Arjo, make your mother happy, win the game.

Jo In-Sung, ‘di puwedeng ikumpara kay Gong Yoo

Naku Salve noh, kahit ano pang sabihin mo tungkol kay Gong Yoo kay Jo In-Sung pa rin ako. Iba pa rin ang charisma at atake ni Jo In-Sung pagdating sa acting.

Sure na sa ngayon siguro marami ang mas nakakakilala kay Gong Yoo dahil matagal bago nasundan ang mga serye ni Jo In-Sung. Pero blockbuster iyon ginawa niyang movie ha, at ang cute cute niya sa Escape from Mogadishu na sinasabi na baka isali sa Oscars ng Korea.

Iba na ang level ng respect sa career ni In-Sung kaya naman iba na ang leveling.

Saka bata pa si In-Sung star na siya, ang tagal na niya sa limelight kaya naman tiyak na mahirap na siyang alisin kung saan siya nakapuwesto noh. Kaya kahit pa in three days 2M na ang followers ni Gong Yoo, mas bongga pa rin si Jo In-Sung na oppa ko forever and ever, hah hah.

vuukle comment

SYLVIA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with