^

Pang Movies

Relasyon nina Bistek at Ruffa, kinumpirma na ni Annabelle!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Aliw si Annabelle Rama dahil siya na ang nagkumpirma sa nababalitang relasyon ng anak na si Ruffa Gutierrez kay Herbert Bautista. Natsika ni Annabelle na si Herbert ang nagpayo kay Ruffa na ipagpatuloy ang pag-aaral, kaya nag-enroll ito online at balita pa rin ni Annabelle, malapit nang mag-graduate sa college si Ruffa.

O, di ba? Si Herbert lang pala ang makakapagpabalik kay Ruffa sa pag-aaral. Kaya nadagdagan ang pogi points ni Herbert kay Annabelle na nabalitang boto rito na ang alam nating marami ay boyfriend ni Ruffa.

May sagot nga sa Twitter si Ruffa sa description ni Annabelle kay Herbert na “Maliit, pero mabait. Sagot ni Ruffa, “Maliit? Well, I’m 5’10 so more than half of Filipino men are shorter than me. Besides, height doesn’t matter. Or does it?”

Naku, excited na ang marami, lalo na ang mga Marites at ang naglabasang mga variant nito kung kailan ang status reveal nina Herbert at Ruffa.

Ang ganda sanang makita na kasama ni Herbert si Ruffa sa pangangampanya niya dahil tumatakbo siyang senador sa party nina Ping Lacson at Tito Sotto.

Zia, singer na agad ang image

Napanood namin ang video ng recording ni Zia Dantes para sa jingle ng Shopee para sa December super sale at kung saan, sila ng ama niyang si Dingdong Dantes ang bagong dagdag na endorsers. Ang husay ni Zia sa recording ng jingle at minsan lang tumingin sa lyrics ng song.

Kung nakita ni Dingdong kung paano mag-recording si Zia, lalo siyang magiging proud sa panganay nila ni Marian Rivera. Pinuri kasi ni Dingdong ang anak at very proud siya sa husay na ipinakita sa TVC shoot na sina directors Cathy Garcia-Molina at Dan Villegas ang directors.

Naalala namin, pinuri ni John Arcilla ang diction ni Zia sa video na in-upload ni Dingdong na kinakanta nito ang Can’t Help Falling In Love. Marunong daw kumanta si Zia, with emotion at maayos pa ang diction.

Darna may katapat?!

Nasagot na ang tanong ng Kapuso viewers sa teaser ng GMA-7 na may mauunang lilipad na parang ang Darna ng ABS-CBN daw ang ang pinatutungkulan ng teaser.

Anyway, hindi para sa teleserye ang teaser, kundi para sa Year-End Special ng GMA News and Public Affairs na Year Of The Superhero.  

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with