^

Pang Movies

Vice, nominado sa may pinakamabahong hininga   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Vice, nominado sa may pinakamabahong hininga            

Laugh trip ang bagong vlog ni Vice Ganda na may titulong Sino ang ihahalal ni Vice Ganda kasama ang kanyang mga beki friends na sina Lassy Marquez and MC Calaquian.

Naglaro kasi sila ng game kung saan ay may ino-nominate silang tao base sa hini­hingi ng tanong.

Eh may tanong na “sino sa mga baklang komedyante ang may pinakamabahong hininga?”

Si Lassy ang nauna at ang sabi niya, ino-nominate niya ang kanyang sarili. Sabi naman ni Vice, hindi pwede mag-self-nominate.

“O, sige, I nominate Vice,” sey ni Lassy. Laugh nang laugh si Vice Ganda.

When it was Vice Ganda’s turn, aniya, “base lang ‘to sa mga naririnig ko. Base sa naririnig ko sa dalawang katabi ko (Lassy and MC), I nominate Chad Kinis.”

Tawanan.

Ang sagot din ni MC ay si Chad kaya naman siya rin ang winner sa nasabing category.

Sa tanong naman kung sino raw bakla ang hindi na nila pauutangin dahil hindi marunong magbayad. Iisa ang sagot nilang tatlo – si Donita Nose.

Pero sabi naman ni Vice, “pero masaya tayong lahat kasi sa puntong ‘to, si Donita, hindi na kailangang mangutang. Siya na ang nagpapautang. Pero ang sungit daw maningil. Ngayon, Donita, alam mo na ang pakiramdam, ha?”

So, landslide winner si Donita. Hahaha!

Pero sa comment section ay sumagot si Chad and good thing ay hindi naman siya napikon.

“Ahahahaha na-nominate pa nga (laughing with tears emoji) babawi ako hahaha!” komento ni Chad.

Kate, ‘di pa handang magka-love life

Masayang-masaya si Kate Valdez sa pagre-renew niya ng panibagong kontrata sa GMA 7. Six years na ang aktres bilang Kapuso artist at sa loob ng panahong ‘yun ay talaga namang napakaraming memorable moments sa kanyang career.

Pero ang talaga raw masasabi niyang pinaka-highlight ng career niya ay nang pagkatiwalaan siya ng network sa kanyang unang show, ang seryeng Destiny Rose.

“’Yun po ang nagbigay talaga sa akin ng experience bilang isang aktor,” ani Kate sa kanyang virtual mediacon kahapon.

Masuwerte rin si Kate na kahit pandemic ay tuluy-tuloy pa rin ang kanyang project and in fact, kasalukuyan siyang napapanood ngayon sa Stories From the Heart: Love on Air with Gabbi Garcia and Khalil Ramos.

Pero aminado siyang talagang naga-adjust pa rin siya sa new normal taping.

“Aminado po ako na mahirap po. It’s very challenging ang new normal taping ngayon. May lock-in, magku-quarantine kayo sa isang hotel or location bago kayo magpunta sa work. So, hindi siya madali. Talagang ‘yun ‘yung tumatak sa akin ngayong quarantine dahil lahat po ay nag-adjust at nag-a-adjust pa rin hanggang ngayon,” she said.

Dahil magpa-Pasko na ay nakumusta rin ang love life ni Kate at aniya ay zero pa rin at wala nga rin daw siyang suitors.

“Hindi po ako nagrereklamo or naghahanap,” aniya.

Sa ngayon daw ay hindi pa siya ready to commit dahil hindi raw niya kayang pagsabayin ang work, ang pag-aaral at ang love life.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with