^

Pang Movies

GMA at ABS-CBN, ‘di patas ang laban  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nang sabihin namin na sa tingin namin walang masyadong epekto sa audience share ang pagsali ni Sharon Cuneta sa serye ni Coco Martin, ang batayan namin ay ang nakuha na­ming feedback mula sa mga karaniwang tao. Ugali ng mga iyan ang pag-usapan kung ano ang napanood nila sa telebis­yon nang sinundang gabi. Maski ang survey firms ay gumagamit ng ganyang sistema, na tinatawag nilang day after feedback.

Hindi po kami nagsusulat ng pralala ng GMA, o maski pralala ng ABS-CBN.

Naglabas ang AGB Nielsen ng kanilang survey, na nagsasabing ang serye ni Heart Evangelista ay nakakuha ng 12.3% sa audience share. Sinabi naman nilang ang serye na sinalihan ni Sharon ay nakakuha ng 9.4% audience share base sa combined audience ng Zoe TV na tinatawag nila ngayong A2Z simula nang upahan ng ABS-CBN, TV5, Cinemo, at Kapamilya Channel.

Hindi namin alam kung ano ang kalalabasan ng survey kung ang gumawa noon ay Kantar Media, tumigil na rin kasi sila sa survey noong mawala na ang ABS-CBN.

Iyon lang kasi ang nag-iisang network subscri­ber nila. Ganoon pa man, hindi nagpatalo ang  ABS-CBN na ang sabi naman 4.6 milyon ang nanood sa kanila sa internet.

Maaaring ganoon ang subscriber nila, pero hindi ibig sabihin lahat nanonood. Hindi ibig sabihin ganoon nga ang bilang, dahil may mga taong may multiple accounts gaya rin ng trolls.

Hindi talaga maibabalik ang patas na laban ng GMA at ABS-CBN hanggang ang isa ay walang franchise at nanatiling off the air.

Harapin natin ang katotohanan, ano nga ba ang laban ninyo sa may transmitter na 150KW at may halos limampung relay stations nationwide?

Ano ba ang ilalaban ng internet dito sa atin na paputol-putol ang serbisyo kung hindi man napakabagal lalo na nga iyang Sky na subsidiary rin ng ABS-CBN?

Derrick at Ricky, magkikita sa Amerika?!

Matutuloy pa ba sa US si Derrick Monasterio para maka-attend ng pagpapakasal ng ermat niya, at makapag-Pasko at Bagong Taon daw doon, kung mahigpit na naman ang restrictions dahil sa omicron variant? Matutuloy pa rin kaya ang ibang stars na plano ring mag-Pasko sa US?

Bakit maraming nanunukso na delikado raw na magpunta si Derrick sa US dahil baka makita pa siya roon ni Ricky Martin na nag-follow sa kanya sa Instagram.

Lalo na nga’t si Ricky Martin ay nakatira sa Beverly Hills sa California, na pareho ring state na pupuntahan ni Derrick? May susunod nga ba para bantayan siya?

‘Di kumita... male star, ibinenta ang kahalayan

Naniniwala kami sa himutok ng isang male star na wala nga siyang naging pakinabang at napaglalangan lang ng kanyang “naka-sex on phone” habang nasa parking lot siya ng isang network.

Kung sino man ang may kagagawan noon ay kumita nang malaki, dahil naibenta iyon sa hindi lamang isa kundi sa limang gay websites, at bawat mag-download noon mula sa websites na iyon ay nagbabayad. Ang masakit pa, ang napasahan ng video nang libre, ipinapasa pa iyon sa iba kaya lalong kumalat.

Iyon mismong male star na nag-self sex, walang kinita sa video. Talo pa siya noong mga talamak na call boys na nagbebenta rin ng sex video nila sa pamamagitan ng internet. Depende kung mabobola nila ang ka-deal, may videos daw na binabayaran hanggang limang libo, pero kung luma na, kahit na load na lang na 100 ayos na.

At least may pakinabang sila, eh iyong male star na “angat” walang nakuha kahit na singko, napaglaruan pa.

vuukle comment

ABS CBN

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with