^

Pang Movies

Debutante!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Debutante!

Wow. Debutante na pala ang Pang-Masa.

At kung walang pandemya, tiyak may party-party.

Pero sadly, may virus pa rin at ito nga at may bagong variant pa.

Though good news na below 500 ang new positive cases kahapon kung totoo ‘yun ha. Ito na diumano ang pinakamababa since July 2020.

But anyway, ang masaya, umabot sa ganitong edad ang aming pahayagan sa kabila ng matinding kumpetensiya sa social media platforms.

Hindi biro ang pinagdaanan o pinagdaraanan ng print media kasama na ang PM.

Pero sa tulong ng dasal, nanati­ling alive and kicking ang PM at patuloy na lumalaban sa mga natitirang matitibay pang ibang tabloid.

Thank you, Lord. Thank you, Sir Miguel Belmonte. Thank you faithful, PM readers.

Cheers. Happy 18th, PM.

nadine adjusted na sa pagiging promdi, pamilya ng dyowa ka-close na!

Biglang maraming gustong ma­ging silya nang makita ang photo ni Nadine Lustre na kumakain ng oranges na naka-two piece.

Pero ang isang napansin ang kanyang followers, ang malusog niyang ‘booty.’

Wow, parang hindi pa raw talaga laspag at sexy pa talaga.

Perfect puwet pa raw talaga.

Samantala, talagang adjusted na si Nadine sa buhay sa Siargao kasama ang boyfriend na si Christopher Bariou na pati diumano pamilya nito ay close na kay Nadine na makikita nga sa isang groufie na magkakasama sila..

Nag-volunteer din daw ito sa mga environmental protection program / sea patrol group sa nasabing isla kasama ang grupo nina Andie Eigenmann.

Nice. At least para sa kalikasan ang pinagkakaabalahan nila.

Cristy Fermin, hindi pinatos ang pagpapapansin ng kunu-kunong influencer

Ayaw bigyan ng validation o importance ni Nay Cristy Fermin ang open letter ng isang diumano’y scammer turned Marites.

Ito ay magtapos maglabas ng isang letter ang nasabi ring self-proclaimed influencer.

Aniya sa nasabing open letter for Nay Cristy, ngayon lang daw kasi naka-encounter ang betera­nang TV and radio host, columnist and digital talk show host ng isang tao na halos kalahati lang ng edad niya pero mas maingay na ang pangalan sa industriya.

As in ang term na ginamit nito, nasapawan na raw niya si Nay Cristy.

Hahaha. Kelan pa kaya? Kaloka.

Sadly walang planong patulan ni Nay Cristy ang nasabing patutsada ng nasabing self-proclaimed influencer.

Chikahan nila sa no. 1 digital talkshow na Take It... Per Minute, Me Ganun kahapon :

“Ang tawag niya sa sarili niya pambansang Marites,” umpisa ni Mr. Fu.

“Isang scammer,” nanatawang sabi ni Nay Cristy.

Hirit naman ni Nay Lolit “Naku kung anu-anong kinikwento mali-mali naman,” sabay tanong kung anong hitsura ng pinag-uusapan nila.

Isa nga kasi sa sinabi nito ang tungkol kay Paolo Contis na declined daw ang card nang mag-birthday dinner sila ni Yen Santos kaya ang huli ang nagbayad.

Ganundin ang tungkol sina Barbie Imperial and Diego Loyzaga.

Actually, there was a time na pinag-usapan ito for a while dahil may ginawang ‘gimik.’ Pero nakalimutan na at naisyuhan sa pera.

At ito nangutang pala ito noon kay Ogie Diaz pero nabayaran naman daw.

Sabi uli ni Nay Lolit : “Dito ata galit si Paolo Contis.”

Sagot ni Nay Cristy : “Oo, saka sila Diego Loyzaga.”

Anyway, fake news diumano ang mga chika nitong nasabing influencer na masayang-masaya raw kapag nababanggit ang pangalan kaya ang decision ni Nay Cristy, ‘wag banggitin ang pangalan ng tinatawag niyang pambansang ilusyunado hindi malungkot siya.

Actually, marami talaga ngayong self proclaimed influencer.

Kaya sabi nga ni Nay Cristy walang shortcut sa pag-akyat. May hagdan kang dapat daanan, walang biglang nasa taas ka na agad paggising mo aniya.

‘Yun naman talaga.

Samantala, may payo naman sila kay presidentiable Sen. Manny Pacquiao na sana raw ay ayusin ng grupo nito ang proseso ng pamimigay ng pera sa mga pinupuntahan nilang mga probi-probinsya.

Makikita nga naman sa mga coverage kung gaano karami ang tao lalo na pag nababalitaan nilang mamimigay ng datung si presidential aspirant  and boxing champion kasama pa si Jinkee.

Hirit ni Nay Lolit, sana raw ay si Jinkee na lang pag-abutin ng pera.

Ni-remind din ni Nay Cristy na sana ay bayaran muna nila ang ibang pinagkakautangan nila bago sila mamudmod sa maraming nangangailangan.

Anyway, bongga rin ang mga blind item sa TIPMMG kahapon kahit medyo throwback.

Kaya sa mga hindi pa nakakapanood, puwedeng maki-Team Replay sa YouTube channel at Facebook page ng Pilipino Star NGAYON.

vuukle comment

PANG MASA ANNIVERSARY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with