^

Pang Movies

Bela, dalawang pelikula ang nakabitin!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Bela, dalawang pelikula ang nakabitin!

Although nasa London ngayon ang Fil-Brit singer-actress, writer, director at producer na si Bela Padilla, personal nitong pinabulaanan ang ispekulasyon ng marami na for good na ang kanyang pananatili sa London at iiwan na nito ang kanyang showbiz career sa Pilipinas.

Matagal-tagal na ang actress sa abroad at nakapamasyal na siya sa Switzerland kung saan naka-base ang kanyang Swiss boyfriend na si Norman Ben Bay na kanyang nakilala nung nagsu-shooting sila ni Carlo Aquino ng pelikulang Meet Me in St. Gallen nung 2017.

Si Bela ay may dalawang unshown movie, ang local adaptation ng K-movie na Spellbound na pinagtatambalan nila ni Marco Gumabao at kung saan din tampok si Rhen Escaño at ang kanyang debut directorial film na 366 which she co-stars, co-wrote and co-produced na tinatampukan din nina Zanjoe Marudo at JC Santos.

Ayon kay Bela, nakatanggap siya ng communication mula sa Viva Films na kailangan niyang magsulat ng susunod niyang gagawing pelikula.

Ngayong bukas na ang mga sinehan, umaasa siya na muling mapapanood ang kanyang mga pelikula sa big screen.

Beatrice, inaasahang mag-uuwi ng korona

Last Saturday, Nov. 27, ay lumipad patungong Israel ang kinatawan ng Pilipinas na si Beatrice Luigi Gomez sa ika-70th Miss Universe pageant na gaganapin sa Universe Arena ng Eilat, Israel sa darating na Dec. 12 (Sunday) ng gabi (Dec. 13 ng umaga sa Pilipinas).

Seventy-seven ang kandidata na nagmula sa iba’t ibang bansa at kasama na rito ang Pilipinas na maglalaban-laban sa 2021 Miss Universe crown na nakatakdang ipasa ng outgoing 2020 Miss Universe na si Andrea Meza ng Mexico.

Si Beatrice ay kauna-unahang Filipina beauty queen na umamin publicly na siya’y kabilang sa LGBTQIA+ community kaya tiyak na kuha nito ang suporta ng kanyang mga kaalyado.

Naniniwala naman ang Managing Director ng Miss Universe Philippines, ang dating beauty queen at 2011 3rd runner up sa Miss Universe na si Shamcey Supsup-Lee na malaki ang chance ng pambato ng Pilipinas na makuha ang korona.

Samantala, balik sa paghu-host ng Miss Universe ang actor-comedian, TV host-author at businessman na si Steve Harvey na nagkamali noong 2015 sa pag-announce sa winner na si Pia Wurtzbach at sa halip ay ang pangalan ni Ariadna Gutierrez ng Colombia ang kanyang tinawag.  

Ang 2021 Miss Universe ay pang-anim na beses na ni Steve bilang host ng nasabing beauty pageant.

Tito, Vic at Joey, 50 years na next year

Sa isang taon (2022) ay magpi-fifty years na ang Tito, Vic & Joey nina Senate President Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon na nabuo nung taong ideklara ang Martial Law in 1972.

Ayon kay Tito Sen (palayaw ni Sen. Tito Sotto), isa umanong TV special ang binabalak gawin ng Eat Bulaga producer na si G. Tony Tuviera to celebrate TVJ’s golden anniversary.

It was in July 1979 nang maging host ng longest-running noontime show (in the world) ang Tito, Vic & Joey.

vuukle comment

BELA PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with