^

Pang Movies

Jed, nalamangan ni Arci sa BTS concert

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Jed, nalamangan ni Arci sa BTS concert

Laking panghihinayang ni Jed Madela na hindi siya natuloy lumipad for Los Angeles, California para manood ng concert ng fave K-pop group niyang BTS.

“Haaayy hanggang dito na lang muna ako... I really had plans to go to LA and watch BTS... I already had a ticket to the concert! Pero may work daw kaya di ako makaalis. Ending, di naman pala tuloy mga sinasabing trabaho. Imagine nyo na lang sama ng loob ko ngayon,” tweet ni Jed.

Lalo pang sasama ang loob ni Jed dahil si Arci Muñoz, nakapanood ng concert ng BTS na Permission to Dance. Sobrang saya ni Arci na mapanood ng live ang concert ng BTS kasama ang mga co-Army niya.

Maririnig sa video na tinatawag niya ang pangalan ng BTS members at naki-sing-along pa sa mga kinanta nila. Magpakuwento na lang si Jed kay Arci kung ano ang napanood niya sa concert sa kanyang pagbalik.

Dennis, pasok sa Voltes V

In-assure ni director Mark Reyes ang mga nagtatanong na Kapuso viewers na kasama pa rin sa cast ng Voltes V: Legacy si Neil Ryan Sese at siya pa rin ang gaganap sa role ni Dr. Hook. May mga nag-akala kasi na napalitan na si Neil ni Dennis Trillo na kahit hindi pa kinu-confirm ni Direk Mark at ng production, kumalat na ang balitang kasama na sa cast ng Voltes V.

May post si Dennis na naka-hotel quarantine siya at para na pala ‘yun sa Voltes V, kung saan, isa siya sa guest. Nabanggit nito sa isang interview na after Legal Wives, maggi-guest siya sa isang series ng GMA 7 at hindi nasabi kung anong series.

Gusto na sanang malaman ng fans ni Dennis kung ano ang magiging role niya sa Voltes V, pero hintayin na lang natin ang official announcement ng GMA.

Carrot Man, magso-showbiz na naman

Gusto na uling mag-active sa showbiz si Jeyrick Sigmaton, nakilalang si Carrot Man dahil ito sa napanalunang Best Actor award sa 2021 International Film Festival Manhattan para sa pelikulang Dayas. Ang laking bagay nga naman na makilala ang husay mo at sa ibang bansa pa, sayang kung hindi niya sasamantalahin.

Motivation din kay Jeyrick na ang Dayas ay advocacy film ng director na si Jennylyn delos Santos at tribute sa mga nabiktima ng tinawag na Ompong Tragedy kung saan, gumuho ang mining site sa Itogon, Benguet.

Gusto rin ni Jeyrick na matulungan ang kapwa artists ng Cordillera at ma- push ang Sine Cordillera at Be Unrivaled Productions ni direk Jenny.

Kaya, open na si Jeyrick sa TV project, pero wala pa siyang offer ngayon. Sa pelikula naman, game siya kahit anong role, kahit daw gay role at BL series movie ay gagawin niya.

vuukle comment

JED MADELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with