^

Pang Movies

Ogie, pasa-pasa at nabukulan nang mahulog sa production number ala-Squid Game!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Ogie, pasa-pasa at nabukulan nang mahulog sa production number ala-Squid Game!

Nagkaroon ng freak accident si Ogie Alcasid sa production number nila sa Magpasikat last week para sa anniversary It’s Showtime.

Kuwento ni Ogie, natakot ang mga taga-Showtime nang mangyari ang aksidente. “Yes po, nahulog ako. But I’m okay. May pa-stunt kasi kami, pero naputol ‘yung what’s holding me so ayun, nagkasugat ako, pasa-pasa. They were telling magpa-MRI ako, but there were no fractures naman so the show must go on and tinuloy ko pa rin ang performance ko,” pagkumpirma niya kahapon sa ginanap na media conference para sa gaganaping fundraising event na sila ni Ian Veneracion ang host, ang Christmas with the Stars (concert), for the benefit of  independent production workers.

“Ang mali ko kasi tumayo agad ako eh. Alam ng mga athlete ‘yan na when you fall bago ka tumayo, tingnan mo muna kung buo ka. I immediately stood up kasi,” aniya na naganap nang gawin nila ang ala-Squid Game kung saan nakatali siya sa ere nang maputol ang cable na humawak sa kanya at nahulog siya sa sahig ng 12 feet sa ibaba.

Samantala, malalaking singer ang napapayag na mag-participate sa gaganaping fundraising event para sa mga independent production workers.

Kasama sa performers sina Regine Velasquez-Alcasid, Dingdong Avanzado, Christian Bautista, Poppert Bernadas, Noel Cabangon, Ryan Cayabyab Singers, Jose Mari Chan, The Company, RJ Dela Fuente, Krystle, Moira, Lacambra, Kuh Ledesma, Gian Magdangal, Lara Maigue, Lani Misalucha, Martin Nievera, Randy Santiago, Aicelle Santos, Gary Valenciano, Maestro Ryan Cayabyab at marami pang iba.

Magaganap ito sa Dec. 11, 7:00 p.m. sa kTX.ph. Directed by Paolo Bustamante at ang Ortigas Malls ang organizer.

Samantala, magkaiba naman ang stand nina Ogie and Ian sa magaganap na 2022 election.

Open si Ogie sa pagiging supporter ni presidentiable VP Leni Robredo.

Si Ian naman ay sinabing ayaw niyang i-sway o mag-impluwensiya ng opinion o ng decision ng isang tao sa kanilang iboboto para mamuno sa ating bayan.

Tumatak sina Ogie at Ian nang magsama sila sa KilaboTitos concert.

Gretchen, niyari ng hackers

Kumpirmadong biglang nawala ang Instagram account ni Gretchen Barretto na may more than 1 million followers.

Last Saturday, maraming nakapansin na nag-disappear nga ang account niya at kahapon mismong ang daughter niyang engaged na, si Dominique, ang nagtatanong dahil bigla nga itong nawala. “Does anyone work for @meta / @Instagram who can help me with my mum’s Instagram account? It disappeared. Pls DM me.”

Wala raw idea si La Greta kung na-hack nga siya.

May bagong IG account na ang reyna ng ayuda pero naka-private.

Samantala, tuloy ang pamimigay ng ‘Christmas love box (noche buena package)’ ng dating actress hindi lang sa mga writer, kundi maging sa mga artista.

vuukle comment

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with