^

Pang Movies

Bakit kaya? nanay ni Kylie, natawa at naiyak sa interview kay Robin!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Bakit kaya? nanay ni Kylie, natawa at naiyak sa interview kay Robin!

Kabilang sa mga nakapanood ng video ng interview ni Kylie Padilla sa ama niyang si Robin Padilla ay ang mom ni Kylie na si Liezl Sicangco. Comment ni Liezel, “OMGee! Natawa ako at naiyak. Good job” na sinagot ni Kylie ng “i love you mother dear.”

Maganda ang nasabing interview ni Kylie sa ama, ang daming nalaman ang mga nakapanood at may lessons for the parents at sa single parent gaya sa kasi ni Kylie. Very heartwarming daw ang interview ni Kylie sa ama, kaya nga nag-react si Dennis Padilla at sinabing a very good man ang ama ni Kylie.

Sa nasabi ring interview sa ama, nabanggit at ina­min ni Kylie na ini-stalk pa rin niya ang Instagram ng ex niyang si Aljur Abrenica. ‘Yun ay para makita ang pagba-bonding nina Aljur at ng dalawa nilang mga anak.

Hindi na raw niya masasaksihan nang personal ang bonding ng kanyang mga anak sa ama nila, kaya ini-stalk na lang niya ang social media accounts ng ex.

“Kasi gusto kong makita na, ‘Okey, masaya sila. Buo pa rin ‘yung relasyon nila bilang mag-tatay. Mahapdi sa aking puso na hindi ko na ‘yon makikita, mae-enjoy in that way na buo kami. Mas happy na ako ngayon, realistically. Kasi after ng mga nangyari hindi na ako makakabalik doon, e.”

Angelica, ginastusan ang sariling singsing

May mga nag-akalang galing sa boyfriend niyang si Gregg Homan ang suot na ring ni Angelica Panganiban na kanyang flinex sa Instagram. But reading her caption, malalamang siya mismo ang bumili ng ring.

Sabi nito, “Gifting yourself is a way of self-love. Matagal akong nag-isip ng perfect gift for myself para sa birthday ko. Gusto ko ng simple, pang matagalan, pero hindi naman masyadong masakit sa bulsa. So, i gave myself a promise ring. A promise to always look after myself. To keep doing better, to understand and to love more. To be more patient with myself. And to listen to my body, my mind and my heart. Masaya naman ako sa desisyon ko.”

Anyway, natutuwa ang fans ni Angelica dahil balik-trabaho na siya. May The Kangks Show siya para sa WeTV Philippines, may sitcom na gagawin kasama si Piolo Pascual at parang may teleserye rin siyang gagawin.

Kyline at Mavy, huling naglalambingan

Tanong ng fans nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi kung magdyowa na ang kasama sa cast ng I Left My Heart in Sorsogon?

Ito ay pagkatapos makunan ng video si Mavy na humahalik sa noo ni Kyline. Hindi alam ni Mavy na nasa live streaming si Kyline, nakita ang ginawa niya, napanood ng MavLine fans na siyempre, kinilig at kasunod ng tanong kung magdyowa na ang dalawa.

Nang maalala ni Kyline na live streaming siya, sinabi kay Mavy pero, huli na ang lahat dahil marami ang nakapanood sa ginawa ni Mavy. Tinawanan na lang nina Kyline at Mavy ang muling pagkahuli sa kanila na may slight PDA.

Nauna na rin silang na-videohan ni Paolo Contis sa taping din ng I Left My Heart in Sorsogon na naglalambingan. Nakahiga sa folding bed niya si Kyline, nakaupo sa may ulunan niya si Mavy at parehong nakangiti. Ang caption pa nga ni Paolo ay naghaharutan ang dalawa at nang mapansing vine-videohan sila, nagtawanan na lang.

Wala pang opisyal ang dalawa na sila na, kaya lang, sa mga kilos nila, hindi na kailangan ng kumpirmasyon. Ang maganda, walang tumututol, tanggap nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi at sister ni Mavy na si Cassy Legaspi ang relasyon ng dalawa.

vuukle comment

KYLIE PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with