^

Pang Movies

Rabiya, malabong makasingit kay Alden

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Rabiya, malabong makasingit kay Alden
Rabiya.

Dream leading man ng dating beauty queen na si Rabiya Mateo, nang mag-decide siyang artista, si Alden Richards.

Na posibleng ma-realize now that, like Alden, she is a Kapuso. Yes, kapipirma lang ng kontrata ni Rabiya sa GMA 7, yes, where Alden is one of its foremost contract talents.

Ngayon, heto ang problema, busier than thou si Alden, as right now, kailangang tapusin niya ang series na The World Between Us, na may bago kaagad siyang gaga­wing pelikulang. Yes, may project siyang gagawin with Bea Alonzo, now a Kapuso na rin.

Lantaran ang relasyon

Iba, Salve A., ang dating nga mga taong medyo, yes, medyo lang, parehong may edad nang nagkainlaban.

Best example sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache na open book na kasalukuyang nagmamahalan. Ang how in love they are sa isa’t isa, they need not articulate.

Sixty six si Edu, si Cherry Pie naman, 51. They can get married, if they want to.

Legally free sila from their individual previous marital commitments. (Ok na po ba ang annulment nina Edu and Maricel Soriano? – Salve A.)

Joven Tan, nakalkal ang buhay ni Yorme

Gusto kong ipagmalaki, Salve A., na naging editor ko si direk Joven Tan, now kilalang movie at TV director, noong era na usong pagsamahin ang magazines at komiks. Mabait siya, magaling, higit sa lahat, matiyaga.

Tiyak, ‘di ko palalampasing ‘di panoorin ang bago niyang movie, titled Yorme, kuwentong hango sa buhay ni Manila Mayor Isko Moreno, sa totoong buhay, si Isko Domagoso.

Open book na dating namumulot ng basura at pagkatapos kanyang ipinagbibili, si Isko.

Hanggang binigyan siya ng pagkakataon ng the late Master Showman, German Moreno, na makalabas ng TV.

In turn, ginawang tungtungan ito ni now Mayor Isko na makapag-aral, hangga’t makatapos ng ilang kurso, kabilang na ang Local Legislation and Finance plus fluency sa pagsasalita ng Ingles, sa University of the Philippines, no less.

Yorme is a production of Saranggola Media at ire-release ng Viva Films.

Two actors will play the role of Yorme: McCoy de Leon as the younger Mayor Isko, and Xian Lim as he is now. Si Raikko Mateo naman ang mas batang Yorme.

German Moreno will be played by Janno Gibbs.

December 1 ang showing ng Yorme.

Very inspiring ang Yorme, if you ask us, Salve A.

As it proves na nasa Diyos ang awa, pero, ang dapat gumawa ng paraan para matupad lahat ng pangarap mo ay ikaw.

Na, of course, kailangang may ‘ayudang’ tulong sa iba.

Alma, hindi makalimutan sa City...

Kung may German Moreno sa buhay ni Mayor Isko, si Alma Moreno ang naging malaking tulong raw sa kanya, para maging kung sino man siya ngayon ay ang nasirang si Marichu Maceda.

Ito ang producer ng kanyang first starring role, Ligaw Na Bulaklak, released in 1976. And directed by the Philippine National Artist, Ishmael Bernal.

Henceforth, nagkasunud-sunod na ang kanyang big hits na movie, mostly bold, of course.

It was also the late direk Bernal who directed Alma in one of the best Filipino films of all time City After Dark (circa 1981).

vuukle comment

RABIYA MATEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with