^

Pang Movies

‘Comeback’ nina John Lloyd at Bea,naka-mahigit 20m views!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
�Comeback� nina John Lloyd at Bea,naka-mahigit 20m views!
John Lloyd at Bea.

Malakas pa rin ang tambalan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo kahit ilang taon nang hindi gumawa ng pelikula at kahit hindi napapanood na magkasama sa telebisyon. Kahit hindi napagbibigyan ang clamor ng kanilang fans na project for them, tuloy pa rin ang suporta ng fans kina JLC at Bea.

Ang pagka-miss kina JLC at Bea ay ibinuhos ng fans sa panonood sa TVC nila para sa Jollibee. Pinost ni Bea sa IG Stories ang pasasalamat sa mga sumuporta sa TVC. Sabi nito, “Grabe! 20 million views in 10 days!! I’m excited for you guys to see the full movie on Dec. 1, streaming on Jollibee studios’ youtube channel! @jollibee.”

Anyway, siguro naman itutuloy ng GMA Pictures ang plano na pagtambalin sa pelikula sina JLC at Bea sa lakas ng suporta sa TVC nila ng Jollibee. Maganda sana kung after the Bea-Alden Richards movie ay isunod ang reunion movie ng dalawa.

DenJen, natupad ang wish na baby girl

Natupad ang wish ni Jennylyn Mercado na baby girl ang first baby nila ni Dennis Trillo dahil sa gender reveal, baby girl nga ang ipinagbubuntis ni Jennylyn. Sa episode 6 ng kanilang vlog, makikitang masaya ang buong pamilya pagkatapos malaman ang gender ni Baby Ho.

Klasik ang mga larawan na yakap ni Dennis sina Jennylyn at anak na si Calyx at may litrato ring yakap nina Jennylyn at Dennis ang anak ni Jennylyn na si Jazz at hinalikan pa siya ni Dennis sa ulo. Ang saya ng buong pamilya sa pagdating ni Baby Girl Ho.

May hint na ang netizens na baby girl ang ipinagbubuntis ni Jennylyn dahil ang cake ay may shade ng pink color. Although may blue color ang cake, mas dominant pa rin ang color pink.

By now, nag-iisip na siguro sina Jennylyn at Dennis ng pangalan for their baby girl at siguradong pinag-isipan o pag-iisipan at special ang magiging pangalan ng kanilang prinsesa. ‘Katuwa ang suggestion na dapat may name reveal party rin ang mag-asawa, pausuhin daw nila.

Herbert, naunahan ni Yorme Isko

Ang suhestiyon ng entertainment press kay Herbert Bautista na ilabas ang mga anak na sina Reese at Harvey Bautista para makadagdag na panghatak sa tao ay ginawa na ni Manila City Mayor Isko Moreno. Naunahan si Herbert na hindi pa inaak­syunan ang suhestiyon ng entertainment press.

Pinag-host ng team ni Isko si Joaquin Domagoso o JD sa ISKOmustahan: Digital Blue Wave Caravan noong isang araw at co-host nito si Kapuso actress Mikee Quintos.

As expected, maganda ang naging reaction ng mga taga-Manila, lalo na ‘yung hindi pa nakikita si JD. Puwede raw palang host si JD at ang lagay na ‘yun, hindi pa siya sumayaw at kumanta. Kompor­table siya dahil si Mikee ang kasama na matagal ng kaibigan ng kanilang pamilya ang pamilya nito.

Kasama rin si JD sa TV ad ni Isko and for sure, makakasama rin ito sa pag-iikot ni Isko to meet the voters at pati na sa kampanya next year.

Maganda rin ang ginawa ni Isko sa Mediacon para sa biopic niyang Yorme: The Isko Domagoso Story dahil hindi lang ang pelikula niya ang prinomote, pati si JD. Kapuso talent si JD at muling mapapanood sa series na First Lady bilang ka-love team ni Cassy Legaspi.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with