Robin, ayaw umeksena sa problema nina Aljur at Kylie
Wow, Salve A., hinihintay ang reaction ni Robin Padilla sa sobrang controversial na balita tungkol sa diumano’y pangangaliwang ginawa ng kanyang anak na si Kylie (Padilla) sa asawa nitong si Aljur Abrenica. Although, may balita noon na ayaw makialam ni Robin.
Kylie is one of three daughters ni Robin sa kanyang former wife na si Liezl Sicangco.
Alam ng lahat how close Kylie is to her father, especially sa dalawang maliliit pa nitong parehong anak na lalaki, na both, of course, ang father ay si Aljur.
Tom, sinorpresa ng nanay
Now that finally husband and wife na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana, most everyone predicts a, well, happy and lasting marriage for them.
Everything nga kasi seems to have started right for them. Matagal silang magkarelasyon, bago finally nag-decide magpakasal.
And on their wedding day, no less than Carla’s magkahiwalay nang parents, sina Rey ‘PJ’ Abellana at Aurea Reyes, ang magkaagapay na naghatid sa kanya sa altar.
At heto pa, ang hindi inaasahang pagdalo ng mother ni Tom, na sa Amerika nakatira dahil nga sa existing pandemic, ay nakarating.
And at their wedding, lahat nang dumalo ay humanga sa kanilang appearances, especially sa suot ni Carla na pangkasal na binili pa sa ibang bansa.
Well, good luck, best wishes at God bless to the both of you. Tom and Carla.
Maine, may ‘lovelife’ na
Of coming wedding, there will, definitely, be one for him at Maine Mendoza, according to Arjo Atayde, who is running for a seat in Quezon City Congress, ngayong coming elections.
Samantala, did we hear it right na magkakaroon na raw ng ‘lovelife’ ang character ni Maine bilang Stacy, nag-iisang anak ni Barak, played by Vic Sotto, sa sitcom na Daddy’s Gurl.
Wala pang nakakaalam kung sino ang aktor na gaganap, but most everyone wonders how Arjo feels about it.
Baguhang aktor, payag maghubad
Willing daw ang isang ‘di pa gaanong kilalang aktor, product of a reality show, na mag-go frontal sa isang movie, should he be offered one.
But, of course, aalamin daw muna niya why kailangan ang eksena and, of course, kung ano ang kuwento ng project.
Huwag isnabin, pero, the guy is tall, and gifted with the right body. And he’s just in his 20s as well.
“Must” nga raw pala sa kanya ang malaman kung sino ang direktor ng project.
Janella, binagayan ng lipo
Back to being both busy again, yes, with respective projects sina Janella Salvador at Markus Paterson.
Their son, Baby Jude, just turned one year old.
Back to being as sexy as she used to si Janella, who admitted na nag-submit to liposuction.
Well, regarding liposuction, look na lang sa social media how the beauty process is being done. And, of course, magkano?
- Latest