^

Pang Movies

Aljur, inaming may pinagdaraanan ang relasyon nila ni AJ!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Aljur, inaming may pinagdaraanan ang relasyon nila ni AJ!

Inamin ni Aljur Abrenica na may pinagdaraanan sila ngayon ng girlfriend na si AJ Raval dahil nga sa kontrobersiya ng hiwalayan nila ng asawang si Kylie Padilla. “Kami ni AJ, may pinagdaraanan kami dahil sa mga pangyayari ngayon pero we’re fighting. We’re doing our best to learn from it. May matutunan sa mga nangyari and to prioritize ‘yung mga dapat na priorities. And mag-focus sa mga mas importanteng bagay. But we’re still together,” pahayag ni Aljur sa presccon ng pelikulang Manipula.

When asked kung ano ang kanilang napag-usapan at sagot ng aktor, “for us, nasa proseso pa rin ‘yung pag-uusap, so it’s very personal. For now, sa ‘min muna ‘yun.”

Humingi rin ng dispensa ang aktor sa iba pang aktres na nadadamay sa issue nila ni Kylie. “I’m doing everything I could na makahingi ng tawad sa mga naka-partner ko, kasi nali-link sila,” sey ng aktor.

Naiintindihan naman daw niya kung nali-link man daw siya sa ibang aktres at naiintindihan din niya ang netizens na nagpapakita ng concern sa kanyang pamilya. “But from my side, ang sasabihin ko lang is, it’s just work. Anything that I do, alam nila Direk ‘yan, alam ng mga tao sa paligid na babasahin ko muna talaga ‘yung script.

“Totoo ‘to, hindi talaga ako basta-basta tumatanggap ng mga project. As long as interes­ting and ang importante kasi ‘yung na-excite ako, ‘yun ang gagawin ko,” ani Aljur.

Binibiro nga ang leading lady niya sa Manipula na si Ana Jalandoni kung hindi ba siya natatakot na ma-link kay Aljur at sey ng aktres, “hindi naman po. Nagkasama kami ni Aljur sa mga out of town events, so parang magkaibigan naman na kami. So, parang wala namang takot.”

Barbie, kinilig sa biniling lote ni Jak

Dahil nga nakabili na ang Kapuso actor na si Jak Roberto ng property para patayuan ng kanyang dream house, marami ang bumibiro sa girlfriend niyang si Barbie Forteza na mukhang naghahanda na ang BF niya sa future nilang dalawa.

Siyempre, kilig na kilig naman si Barbie kapag sinasabi sa kanya ‘yun. Pero hindi pa raw niya nakikita ang nasabing property. “Hindi ko pa napupuntahan, sayang. Pero malapit lang naman dito sa akin,” sabi ni Barbie sa panayam ng GMA 7.

“Basta for now I am so happy for him sa achievements niya, with his show doing so good right now and ngayon sa kaniyang personal life, inaasikaso niya na rin talaga ‘yung kaniyang long term. And I am really happy for him and alam niya naman na talagang all-out support ako sa kaniya,” dagdag pa ng Kapuso actress.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with