^

Pang Movies

Good news sa Pasko, hinihintay na!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Good news sa Pasko, hinihintay na!

Very inspiring naman ‘yung mga parol at Christmas decor na nakikita mong naka-display sa kalye. Para bang grande pa rin ang magiging paghahanda ng lahat para sa Pasko. Feel mo talaga ‘yung kahit nga pandemic, wala talagang makakapigil sa happiness ng season.

Ang ganda ng mga parol lalo ‘pag gabi na nakailaw lahat. At ang lalaki ng mga decor na ipinagbibili. At kahit ano pang sabihin mo, maraming gift items ang nakakatukso na bilhin para ipamigay na regalo.

Hay naku, nothing and no one can stop Christmas. Sana naman tuluy-tuloy na ang good news hanggang Pasko.

Chikahan, kinasasabikan

Siguro miss na ni Pat-P Daza, Leo Espinosa at Cris Roque ng Kamiseta ang company natin nila Gorgy, Salve. Kaya naman call sila ng chikahan meeting para magkita-kita at walang humpay na namang tawanan at chikahan.

Ang sarap talaga ‘pag close friends ang nag-uusap-usap, tumatagal ang oras pero hindi mo napapansin. Kasi nga si Leo sa Batangas na naka-base, busy naman lagi si Cris ng Kamiseta, ngayon meron nang daily show si Pat-P, at tayo naman nila Gorgy, Salve, laging nasa kung saan-saan kaya hindi nagtatagpo ang mga oras. Kaya ‘pag nagkita-kita, parang sabik na sabik at ayaw tapusin ang usapan.

Looking forward sa Tuesday para sa ating chikahan. Sure akong maraming balita si Pat-P tungkol sa show nila ni Ali Sotto. At mga kaganapan sa Batangas care of kay Leo, business world kay Cris Roque, at showbiz chismis ni Gorgy. Ang contribution ni Salve, ang kumain nang kumain, ako naman mag-take home, hah hah.

vuukle comment

CHRISTMAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with