^

Pang Movies

Kylie, durog sa sagot ni Cristy Fermin!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Kylie, durog sa sagot ni Cristy Fermin!

Binura ni Kylie Padilla ang tweet niya tungkol kay Nay Cristy Fermin na parang nakikipag-usap at pinagsasabihan lang ang kaedad niya na nagpa-trending kay Nay Cristy sa Twitter kahapon. Pero kumalat na ito: “Hi Cristy Fermin. Alam ko kung sino source mo. Wag nyong hintayin mag salita ako tungkol sainyo. Nag titimpi ako para sa mga anak ko. Tignan nyo mga mali nyo sa sarili nyo bago kayo manghusga ng ibang tao. Ano bang makukuha nyo sa pag sisira sakin? GROW UP. Ang tatanda nyo na.

“At sana kung sisiraan nyo ako totoo mga pinagsasabi nyo. Mahiya naman kayo sa mga sarili nyo,” kumpletong tweet ng anak ni Robin Padilla na base sa post ni Aljur Abrenica ay nauna diumanong nagloko.

Pinag-usapan sa Cristy Per Minute nina Nay Cristy with Rommel Chika sa One PH two days ago ang kuwento ng source ni Nay Cristy na diumano’y parating may kausap si Kylie kahit sa kanilang garden. “Kung natatandaan n’yo po, lagi po nating pinag-uusapan noon ‘yung kwento ng aking source, na si Kylie po talaga ‘yung laging may kausap sa garden. Kahit na madaling araw, may kausap sa phone, bumababa siya. Kahit sa kusina, meron siyang kausap,” ang bahagi ng sabi ni Nay Cristy.

Ikinukuwento pa ng source ni Nay Cristy, na kapag dumarating daw si Aljur at magluluto ng pagkain ‘yung kanilang kasambahay, sasabihin diumano ni Kylie, ‘Huwag ka nang magluto, hayaan mo siyang magutom. Hindi naman siya ang gumagastos dito sa bahay.”

Kahapon ay sinagot uli ni Nay Cristy ang birada ni Kylie sa Twitter : “Kylie, alam mo. Hindi mo pupwedeng manduhan ang mga manunulat kung ano ang kanilang sasabihin at kanilang susulatin. Katulad ko, ako’y isang kolumnista. Hindi mo ako pwedeng diktahan kung ano lang ang gusto mong mabasa mula sa columns ko,” umpisa ni Nay Cristy sa kanyang programa.

“Kylie, hindi pa ipinanganganak ang artistang magmamando at magdidikta sa akin na kung ano ang dapat ko lang sulatin at sabihin. Sorry sayo, maling puno ang kinahulan mo. Maraming salamat sayo, Ms. Kylie Padilla-Abrenica.

“Kung gusto mo na puro maganda lang ang tungkol sa iyo ang mababasa mo. Magtayo ka ng sarili mong publication. Pero para panghimasukan mo ang buhay naming manunulat, panghimasukan mo ang trabaho ko sa hanay na kinabibilangan ko, hindi kita papayagan. Iisa lang ang puhunan namin, kung kayo ay kagandahan, kami ay kredibilidad. Hindi ko papanakaw sa ‘yo yun, Kylie Padilla!

“Ineng, isang araw manalamin ka. ‘Yang mukha mo ay kukulubot. Ang katawan mo ay magbabago ng postura. Lahat ng mga bagay, materyal lamang. Lalo na ang kagandan, nawawala yan, lumilipas yan pero yung paninindigan, mawala ka man sa mundo, ang sasabihin may word of honor ka.

“Kung tunay kang nag nagmamalasakit at nagmamahal sa mga anak n’yo ni Aljur, dapat ay hindi mo isinapubliko ang mga nangyayari sa buhay n’yo.”

vuukle comment

CRISTY FERMIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with