^

Pang Movies

Alex nakakapagbiro na, inaming nabulungan bago nagka-miscarriage

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Alex nakakapagbiro na, inaming nabulungan bago nagka-miscarriage

Nagsisikap nang makabangong muli si Alex Gonzaga matapos ang hindi pagkakatuloy ng first baby sana nila ni Mikee Morada. Makikita sa kanyang mga latest Instagram posts na tuloy pa rin ang buhay at pinipilit na niyang bumalik sa kanyang normal activities.

Nagkaroon din siya ng live streaming sa KUMU at nagkwento nang kaunti sa kanyang pinagdaanan. Makikita ritong nakakapagbiro na rin siya na tulad nang dati.

Kwento ni Alex, bago pa man daw sabihin ng doktor that she had blighted ovum or anembryonic pregnancy ay parang nararamdaman na raw niya ito kaya iyak na siya nang iyak.

Feeling niya that time ay pine-prepare siya ni Lord at ‘yun naman daw talaga ang pinagdasal niya.

Hindi nga raw niya masabi sa iba na na mayroong laman ang kanyang sinapupunan dahil parang may bumubulong daw sa kanya na “it’s not the right time.”

Aminado naman si Alex na talagang napaka-painful sa kanya ng nangyari at hindi niya na rin alam kung paano niya nakakaya. “Parang ‘yun ang grace of God. ‘Yun ‘yung hindi mo ma-explain paano mo nagagawa pero nagagawa mo,” aniya.

Naniniwala rin siyang may dahilan ang Panginoon kung bakit ito nangyari at ang pananalig sa Kanya ang kanilang pinanghahawakan.

Humingi rin ng paumanhin si Alex sa kanyang followers na inilihim niya ang pregnancy dahil hinintay muna raw niya na matapos ang proseso.

Nagpasalamat din si Alex sa lahat ng suporta at pagmamahal na natatanggap niya mula sa kanyang mga kaibigan at tagahanga. “Parang minsan naiiyak na lang ako mag-isa kasi I always feel your love and you are all God’s instrument or parang ginagamit kayong lahat ni Lord para sabihin sa aking ‘You’re okay, maraming nagmamahal sa ‘yo’.

“Hindi nyo nalalaman na ‘yung simpleng message nyo, ‘yung simpleng ‘I love you. Kapit lang. Kaya mo yan. I’m praying for you’… Thank you for being an instrument of the Lord’s love,” pahayag ni Alex.

Ayaw makialam… BB, pinayuhan sina Kylie at Aljur na sa washroom maghugas ng dirty linens

Nakarating na rin sa tita BB Gandanghari ni Kylie Padilla ang bagong controversy na naman ngayon tungkol sa paghihiwalay ng aktres at asawang si Aljur Abrenica.

Sa Instagram Live ni BB ay may nagtanong sa kanya tungkol isyu. Anito, “sabi ni Aljur, Kylie cheated daw” na ikinagulat ng kapatid ni Robin Padilla.

“No way!” sabi ni BB. “Sinabi niya?” tanong pa niya. Ayon kay BB, ngayon lang niya narinig ang tsikang ito kaya ayaw daw niyang pakialaman.

“I don’t know, hindi naman ako nagtatanong,” sambit pa ni BB.

Pero bilang tita, nagbigay na rin ng kanyang advice si BB para kina Kylie at Aljur. “Ang paghihiwalay is not a joke, it’s not a career-move or something to be para mapag-usapan ka,” aniya.

“So, what I can advise to these two, being younger that you are, eh try to keep your dirty linens in the washroom. I’m sure you know what I mean,” payo ni BB.

“Ayokong makialam. Pero ‘yun lang, try to leave things in private as much as possible. Kasi may mga anak kayo, unang-una. ‘Yun lang ang masasabi ko. That’s a very touch topic,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni BB na ang dapat daw mas isipin ng mag-asawa ay ang kanilang mga anak. “I think, you’re not the priorities, I mean, the parents, Kylie and Aljur. What you should think about now are the children.

“Kung meron akong maipapayo bilang ate n’yo, ‘yun siguro ang maipapayo ko,” she said.

vuukle comment

ALEX GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with