^

Pang Movies

Maricel, Regine, Dawn, Kris at Lea, nag-chikahan sa ‘bahaw’

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Maricel, Regine, Dawn, Kris at Lea, nag-chikahan sa �bahaw�

Naaliw kami sa convo nina Maricel Soriano, Regine Velasquez, Dawn Zulueta, Kris Aquino, at Lea Salonga. Nagsimula ang nakatutuwang convo sa Twitter ni Maricel nang magtanong ito ng “Nasubukan niyo bang kumain ng bahaw?” Tanong ni Dawn, “What’s bahaw?”

Comment ni Lea, “Bahaw means??” “Yesterday’s rice” ang sagot ni Regine

Sagot ni Kris kay Regine, “Regine!!!It’s  leftover rice.”

Tuwang-tuwa ang netizens sa kanilang nabasa sa kanilang mga idolo, lalo na sina Dawn at Lea na hindi alam kung ano ang bahaw. Magkaiba naman ang alam na pangalan nina Regine at Kris sa bahaw.

Anyway, nagulat ang fans ni Maricel nang ipakilala ang mga anak na sina Marron at Sebastien na pareho nang malalaki. Mas matatangkad pa kay Maricel ang mga anak.

Max, nakipag-bonding kay Apl.de.ap

Nasa Los Angeles, California si Max Collins at nagbabakasyon after ng lock-in taping ng To Have and To Hold.  Pinost ng GMA Artist Center ang photo ni Max habang nasa advanced screening siya ng Marvel film na Eternals sa El Capitan Theater sa LA.

Mababasa ang pangalan ni Pancho Magno na nag-comment ng emojis ng hands na ibig sabihin, bilib siya kay Max dahil nga nakapanood ng nasabing pelikula. Nagtataka lang ang netizens kung bakit hindi mismo sa IG ni Max nag-comment si Pancho?

Sa photos na pino-post ni Max, makikitang nag-i-enjoy siya sa bakasyon niya at sa isang litrato, makikitang kasama nila si Apl. De Ap. at ilan pang Pinoys na nasa LA rin.

Speaking of Max, nagising na ang karakter niyang si Dominique sa To Have and To Hold, kaya lang, hindi naalala na nagloko siya at nanlalake.

Fans nina KC at Piolo, nalungkot sa relasyon ng aktor at Shaina

Nalungkot ang shippers nina KC Concepcion at Piolo Pascual sa balitang magkasama sa Bohol sina Piolo at Shaina Magdayao. Hindi lang magkasama ang dalawa, sweet na sweet pa at may larawan pang yakap si Shaina ni Piolo at pareho silang nakangiti.

Comment ng isang shipper nina KC at Piolo, marami silang nalungkot sa pictures na nakita nila sa Bohol dahil umaasa silang magkakabalikan pa sina KC at Piolo. Hindi raw sila makapag-move on. Ito ay kahit sinabi na ni KC sa isa niyang TV guesting na wala nang chance na magkabalikan pa sila ni Piolo.

Kailangan siguro muling sabihin ng dalawa sa kanilang fans na wala na silang aasahang balikan dahil nakakaawa ang fans na hanggang ngayon, umaasang matutupad pa ang gusto nila na maging end game sina KC at Piolo.

vuukle comment

MARICEL SORIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with