^

Pang Movies

Candy at Rayver, nag-congratulate sa miscarriage post ni Alex

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Talk of the town ngayon ang pag-congratulate nina Candy Pangilinan at Rayver Cruz sa heartbreaking Instagram post ni Alex Gonzaga kung saan nga ay kinumpirma niya ang miscarriage sa first baby sana nila ng asawang si Mikee Morada.

“Congrats Cathy Grabe,” ang komento ni Rayver na burado na ngayon.

“Yipee! Congrats,” ang unang reaksyon naman ni Candy.

Pero maya-maya ay nag-apologize naman si Candy at ipinaliwanag na hindi raw niya nabasa lahat ang post ni Alex.

“In God’s loving time. Sorry. Didn’t get to read the whole caption at 1st. Love you both. We shall be praying for both of you,” ang komento ulit ni Candy.

Mukhang ganito rin ang nangyari kay Rayver. Hindi niya rin marahil naintindihan ang buong post ni Alex at inakala ring announcement ito ng pregnancy.

Kaya sey ng netizens, “basa-basa rin pag may time.”

Bea, inaming ‘di pa handang mag-asawa

Mukhang hindi naman tototo ang akusasyon kay Bea Alonzo na sinunog niya ang tulay sa kanyang pagtalon sa GMA 7 dahil binati siya ng CEO ng ABS-CBN na si Carlo Katigbak na napanood sa birthday vlog ng aktres sa YouTube.

The fact na nagbigay sa kanya ng magandang mensahe ang ABS-CBN boss, ibig lang sabihin ay hindi naman masama ang loob ng network sa kanyang paglipat.

Star-studded nga ang nasabing birthday vlog dahil sa rami ng artistang bumati at ang kakaiba nga rito ay nagtanong din sa kanya ang mga ito.

Tulad ni Richard Gomez na nagtanong sa aktres kung kailan siya mag-aasawa.

“Not anytime soon. I still have a lot of work to do, ang dami ko pang gustong gawin and tama ka, I’m not getting any younger, I’m 34 years old.”

Dagdag niya, naniniwala siyang may sarili siyang timeline at happy naman siya na naiintindihan ito ni Dominic (Roque).

Tinanong naman ni Jessica Soho kung happy ba siya ngayon at sagot ng aktres, “yes, I’m very, very happy right now. How happy? Like enormously happy. Parang I guess, sa buhay ko, ito na ‘yung pinaka-okay ako. I’m sure about myself, I’m sure about my decision, I know I am loved and I love myself. Pinakamasaya.”

Syempre, ang finale ay ang “hun” niya na si Dominic Roque.

“Hi hun, happy happy birthday. Let’s enjoy your special day sa isang paraiso at mahal na mahal kita,” mensahe ni Dom.

Ang tanong ng aktor ay kung ano ang top 3 sa bucket list ni Bea na gusto nitong gawin or puntahan with him. Sagot naman ni Bea, “hun, thank you for the question and I love you. I can’t wait to be in paradise with you soon, at the beach.”

Sa bucket list naman with Dom, ani Bea, “to go to Switzerland with you, and second siguro, mag-road trip pero naka-motor naman. Somewhere in Europe rin, sana Italy, ganyan.”

Gusto rin daw niyang mag-paragliding with Dom at gagayahin niya si Yoon Seri (Son Ye Jin) sa hit Korean drama na Crash Landing On You.

vuukle comment

ALEX GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with