^

Pang Movies

MMFF 2021, tahimik pa

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Malapit na ang Oct. 31, 2021. Ito ang deadline ng submission of entries para sa 2021 Metro Manila Film Festival.

Pero as of this writing, wala pang bagong pahayag ng MMFF Executive Committee kung may pelikula nang nagsumite ng entries.

Bukas na ang mga sinehan sa lugar under Alert Level 3 gaya ng Metro Manila. Limitado nga lang ang capacity ng tao na pinayagan ng IATF officials.

Marami nang natapos na local movies. ‘Yung iba nga eh sa ilang international film festivals naipalabas at may nanalo naman ng awards.

Last week na ng October next week. Sana naman ay gumalaw na ang involved sa 2021 MMFF nang sa gayun ay maging maligaya naman ang local film industry this December, huh!

Galaw, galaw na! Marami nang movies ang na-produce! Hikayatin na lang ang manonood na pumunta sa mga sinehan kahit bawal kumain, uminom at mag-usap sa loob ng sinehan, huh!

Qualified kayang maging entry ang isang movie na ipinalabas na sa digital platform?

Dingdong, waiting sa libreng oras ni Marian

Waiting na si Dingdong Dantes kay Marian Rivera upang gawin na nila ang episode 7 ng kanilang vlog.

Eh, bisi-bisihan pa si Yan sa kanyang Flora Vida by Marian sa pagpapakita sa kanyang Instagram ng latest products niya.

Matagal na rin kasi ang huling vlog nina Dong at Yan na bentang-benta sa netizens na suki nila. Kaya si Dong, idinaan na lang niya sa comment section ng IG ni Marian ang hiling sa asawa na gawin na ang episode ng vlog.

Kahit pandemic, wala talagang kapaguran ang GMA Primetime Queen na tuluy-tuloy pa rin ang hosting sa Tadhana, pag-alok at benta ng negosyo at sunud-sunod na endorsements!

Basta ang asawang si Dong, waiting lang sa libreng oras ng asawa!

vuukle comment

MMFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with