^

Pang Movies

Panonood ng sine marami nang bawal, mahal na rin ang bayad?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Sad na ang panonood sa sinehan ngayong new normal.

Maraming bawal sa pagbubukas nito ngayong araw, Oct. 16, base sa guidelines ng IATF (Inter-Agency Task Force) sa ilalim ng Alert Level 3 (sa Metro Manila).

Bawal kumain ng popcorn o kahit ano, two seats apart, bawal magtanggal ng mask, etc. etc. At dapat bakunado ka.

Na ok naman para maging ligtas sa COVID-19 virus lalo na nga at kulob ang mga sinehan.

Pero ‘yun nga, ang lungkot ‘pag ganun. Wala kang katabi na puwedeng kausapin o chikahan habang nanonood at paano na ang popcorn and drinks?

Andun ang saya sa panonood sa sinehan.

Sa ilalim ng Alert Level 3, kabilang ang movie theaters, sa puwedeng mag-operate. Ganundin ang tourist attractions, theme parks and recreational parks with 30% indoor venue capacity para sa fully vaccinated  at 50% sa outdoor venues.

Ang worry pa ng ibang manonood, since mas konti lang ang puwedeng manood, magmamahal din ba ng bayad ang mga sinehan?

At ano kayang mga pelikula ang ipalalabas?

So far wala pa akong nababasang announcement sa mga movie company or sa mga sinehan kung may mga pelikula ba silang ipalalabas agad-agad.

Unless ‘yung mga natapos na noon na hindi naipalabas sa mga sinehan. Although majority sa natapos na pelikula before pandemic, dinala sa video-on-demand platform at marami na ang nakapanood.

So paano mo pa ‘yun ipalalabas sa mga sinehan?

Bukod sa wala akong naririnig na mga pelikulang ipalalabas, ang ilang mga sinehan ay hindi pa rin handa.

Ang chain of malls ng Villar Group of Companies ay nililinis pa raw at hindi pa tomorrow makakapag-operate.

Ang dami nito – Evia Mall, Starmall, Vista Mall, at iba pa, pero oras na malinisan na raw ang mga nila ay bubuksan na rin daw nito. Nasa Evia Lifestyle Mall ang bonggang IMAX with Laser.

Anyway, kabilang ang movie theaters sa matinding naapektuhan ngayong pandemya. Almost two years itong nakasara at ang ibang sinehan sa mga mall, converted na sa mga specialty store.

vuukle comment

SINEHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with