^

Pang Movies

Alden, gustong gumawa ng mga risky!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Alden, gustong gumawa ng mga risky!
Alden

Sa pagpirma ni Alden Richards ng panibagong kontrata sa GMA 7, looking forward ang Asia’s Multimedia Star sa mga bagong proyekto na gagawin niya na aniya ay hindi pa niya naipapakita sa manonood. “I’m more experimentative into taking on different projects as of now and siguro leaning towards creating projects like acting pieces where I can use it to, you know, para pwede natin siyang maipadala sa mga international award-giving bodies and also to be able to experience something new din on me,” pahayag ni Alden sa virtual mediacon matapos ang contract-signing na ginanap sa EDSA Shangri-La Hotel kahapon.

Kung sa nakalipas na 10 years ng kanyang career ay lagi raw good boy ang kanyang papel, ngayon ay medyo edgy roles naman daw ang gusto niyang gawin. “Ang ‘yung mga risky. Medyo mag-risk na tayo nang konti when it comes to taking on roles. Para hindi naman tayo boring panoorin, hindi naman tayo parang ‘ay, nakita ko na ‘yan.’ ‘Yung mga ganu’ng moments ng mga manonood natin.

“So, I think, now is the time since hindi na rin naman ako bumabata. I’m tur­ning 30 na in January po, so parang ‘yun ‘yung isa sa mga bagay na gusto kong magawa sa ngayon and improve on,” aniya.

At ang first project na makikitaan si Alden ng malaking pagbabago ng karakter ang pagbabalik ng seryeng The World Between Us ngayong November. “This November, may patikim na ng parang Alden version 2.0, parang ganu’n,” sambit ni Alden.

Nang matanong naman kung kailan naman niya pagtutuunan ng pansin ang kanyang love life, ayon sa aktor ay nandu’n na raw siya sa puntong ‘yun.

“Actually, andoon naman po ako kasi, ‘yun nga po, magti-thirty na ako next year and siyempre, ‘yung priorities natin, nag-iiba na. Parang I’ve already done quite a huge part for the lives of the people close to me. Parang it’s about time naman na ako naman,” he said.

Ara, iiwan ang trabaho para sa mister

Kung kinakailangan, willing si Ara Mina na mag-leave muna temporarily sa kanyang showbiz commitments para lang masuportahan ang mister na si Dave Almarinez sa muling pagpasok nito sa pulitika ngayong 2022 elections.

“Sabi ko naman sa kanya, ‘andito lang ako para sumuporta sa kanya. Sabi ko, sabihin lang niya sa akin kung every day niya akong kailangan at kung tayo’y magpapaalam sa programang kinabibilangan ko kung sakaling kailangang-kailangan niya ako every day. Siyempre, asawa niya ako so dapat andun ako,” pahayag ni Ara.

Tumatakbong Congressman si Dave sa lone district ng San Pedro, Laguna at sa filing pa nga lang ng COC (certificate of candidacy) last week ay nag-time out na si Ara sa isang project niya para masamahan ang kanyang mister.

Ngayon pa lang ay pinag-iisipan na ng aktres kung paano siya makatutulong sa mga taga-San Pedro, Laguna.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with