^

Pang Movies

Matapos magsisi sa pagboto kay Pres. Digong, Angelica ikakampanya si VP Leni!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Kasama sa listahan ng mga taga-showbiz na tutulong daw sa kampanya nina VP Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan na tatakbong president and vice president respectively ang dating bumoto kay President Rodrigo Duterte na si Angelica Panganiban.

Naging vocal si Angelica sa pagsasabing nagsisi siya kung bakit si Pres. Duterte ang kanyang ibinoto. The rest na kasama sa sinasabing partial list nang susuporta kina Leni at Kiko ay bumoto yata kay Mar Roxas dati.

Kasama rin sa listahan ang mga matapang na nagpapahayag ng disgust sa gobyerno ni Pangulong Duterte ngayon gaya nina Regine Velasquez, Pokwang, Vice Ganda, Angel Locsin, Bianca Gonzalez, Agot Isidro, Janine Gutierrez, Leo Martinez, Rita Avila, RK Bagatsing at marami pang iba.

Sa rami ng mga taga-showbiz na susuporta kina Leni at Kiko, parang ang mga matitira ay paghahatian nina Sen. Manny Pacquiao, Sen. Bato dela Rosa, Bongbong Marcos at Sen. Ping Lacson.

Sana, hindi maging daan ito para mahati ang showbiz dahil kung sa tiket nina Sen. Ping at Sen. Tito Sotto tatakbong senador si Sorsogon Governor Chiz Escudero, sa kanila ang suporta ni Heart Evangelista at siyempre, ni Ciara Sotto.

Tama nga si Sharon Cuneta, sana matapos na ang eleksyon para matigil na ang pagkasira ng mga relasyon gaya ng friendship.

Susunod na serye ni Alden, handa na

Sayang at walang nagtanong kay Alden Ri­chards sa presscon ng kanyang contract renewal sa GMA Artist Center kung kailan na talaga babalik sa TV ang The World Between Us. Ang unang balita, sa Nov. 15, pero may lumutang na balita na sa Nov. 22, pa raw.

Hindi nabanggit kung dahil ba sa kailangan pa ng Legal Wives ng one week bago matapos ang story o inaayos pa ng production ang The World Between Us. Kung anuman ang rason, hindi na importante, basta ang sinabi ni Alden, magugustuhan ng viewers ng series ang pagbabalik nila sa ere. Magkakaroon ng malaking pagbabago ang karakter niya, iba ang histura niya nang makulong ang karakter niyang si Louie at malaki rin ang magiging pagbabago kapag nakalabas na siya sa kulungan at nakabalik magtrabaho sa ibang kumpanya.

Anyway, sabi ni Alden, one of the best projects in the past five years ang The World Between Us, gusto niya ang story nito, ang kanyang karakter, at ang buong Team TWBU.

Sabi naman ni Ms. Lilybeth Rasonable, bigger than TWBU ang next teleserye ni Alden sa GMA 7 at magugulat daw ang fans ng aktor at nagpa-excite kay Alden.

Max, nakalipad na sa Amerika

Nasa Los Angeles, California pala si Max Collins para yata magbakasyon. Mabuti at tapos na ang taping niya ng To Have and To Hold dahil kung patuloy ang taping ng teleserye ng GMA 7, aakalain ng viewers na kaya comatose ang karakter niya sa teleserye dahil lumipad siya pa-LA.

vuukle comment

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with