^

Pang Movies

Detox sa K-drama, tapos na!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Detox sa K-drama, tapos na!

Dahil nanonood na uli ako ng mga Koreanovela matapos kong mag-detox, Salve, start na naman sa kilig moments ko, hah hah. At dahil pinanood ko uli ang The Heir dahil kay Kim Woo-bin, na-notice ko na rin si Lee Min-ho. Cute rin pala siya at mahusay umarte, maganda rin ang facial expressions niya pati delivery ng dialogue. Marami nga siyang Filipino fans dahil madalas siyang mag-personal appearance dito sa atin noon at paborito niya ang Boracay. Pero siyempre mas type ko pa rin si Kim Woo-bin na ang galing galing sa The Heir.

At may isa na naman akong natutuhan sa mga Korea­novela. Sa Korea pala ‘pag may utang ang isang miyembro ng pamilya mo, parang utang na iyon ng buong pamilya.

Halimbawa inutang ng tatay, namatay ang tatay, dapat bayaran iyon ng anak o sinumang member ng family nito. Forever pala ‘yong utang habang hindi bayad.

Eh hindi ba sa atin, ‘pag na-dead na ang umutang, puwedeng quits kayo, dahil wala na nga, dead na. Iba pala sa Korea, kahit sinong member ng pamilya, parang utang na rin niya ang utang ng isa.

Bongga nga, kaya ingat na ingat pala sila sa utang. Naku maba-bash na naman ako dahil utang na naman ang issue. Basta, Salve, i-reconsider mo na rin si Lee Min-ho sa mga listahan mo ng Oppables kasi nga cute naman siya at matangkad din. Pero promise, hindi na tulad ng dati na babad ako sa watching ng mga Korean drama, now, medyo may preno na. Kasi nga, sa sobra kong addiction, feeling ko ako ang leading lady ha, nag-day dreaming na ako na ako ang niyayakap nina Lee Joon-gi, Kim Woo-bin, Nam Joo-hyuk, at Jo In-sung. Kaya tuloy nagagalit ako ‘pag sobrang conservative na walang kissing scenes.

Mga viewers, nagbabantay sa suot na T-shirt!

Napatunayan ko kung gaano ako kamahal ni Avic Amarillo ng Vista Land ni Sen. Manny Villar. Napanood niya ‘yung episode na akala n’yo nag-ulit ako ng shirt dahil parehong print at akala n’yo pareho rin ang kulay. Talagang hindi napakali si Avic ng Villar Group at pinadalhan ako ng iba’t ibang kulay ng crop shirt ng Everyday Basic ng Find Finds section ng All Day.

Kahit pa nga sure ako na hindi ako hihinga para hindi lumaki ang puson ko ‘pag suot ko ng crop shirt, gagawin ko, patunayan lang kung gaano kaganda, katibay, at comfortable ang mga gawang shirts ng Everyday Basic ng Find Finds. Hitsura ng ibang brand kung ikukumpara sa material ng shirt ng Everyday Basic. Tatalunin nito ang shirts na binibili mo sa apparel stores na Uniqlo at Zara. Ang sarap ng feel ng material, Salve, at talagang pino ang pagkakatahi.

Buti na lang at pang-preppy at cosmopolitan ang mga design ng shirts nila, na baka hindi na bagay sa matandang 74 years old, kundi, lahat ng tshirts ko palitan ko na ng Everyday Basic, at donate ko na ulit ang shirts at blouses ko sa church namin.

 

vuukle comment

MANNY VILLAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with