^

Pang Movies

Sen. Bong, tinupad ang pangako

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Sen. Bong, tinupad ang pangako

Minsan, Salve A., naikuwento ni Senator Bong Revilla na noong bata pa sila, madalas ipangaral sa kanila ng kanyang ama, the late Senator Ramon Revilla Sr., who died nearly two years ago, na kapag may ipinangako ka, gaano man ka-simple ito, in word or in deed, dapat tuparin.

Kaya, when last year, nang mag-turn 54 siya at namigay ng tinawag niyang Kap’s Amazing Giveway at nakita niya kung gaano kasaya ang recipients, well, nangako siyang magkakaroon ito ng Part 2, which happened nga last Sept. 25, Saturday, Sept. 26, Linggo, na siyang kanyang kaarawan talaga.

Well, exactly 55 years old na si Senator Bong.

Kaugnay nito, nangako si Senator Bong na kahit ‘di niya birthday, magsasagawa siyang muli ng pamamahagi, well, online bilang maagang Pamasko sa ating mga kababayan.

Tutuparin din ni Senator Bong ang pangako niya kay Sanya Lopez na kukunin niya itong leading lady muli sa susunod niyang action series, na may kinalaman, of course, sa Agimat ng Agila.

As his term as senator have yet to end, naka-focus siya ngayon sa pagtulong sa asawang si Lani Mercado, who is no longer running as Bacoor City mayor, we heard.

She is eyeing a Congressional seat instead.

Well, heard that Senator Bong’s younger brother, Strike, will run for mayor ng Bacoor ngayong election 2022.

Ariella, hindi nalasahan ang laway ni Lassy

Ariella Arida, who was our country’s 2013 Binibi­ning Pilipinas Universe, gets to be a bida na sa pelikulang Sarap Mong Patayin, a sexy-comedy where she has for co-stars sina Kit Thompson at Lassy Marquez.

Direction is by Darryl Yap, who is the director of the still showing movie, Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso, starring Marco Gallo, Aubrey Caraan, plus the Beks Battalion, consisting of Richardson ‘Chad’ Kinis de la Cruz, Melvin ‘MC Muah’ Enriquez Calaquian, and Reginald ‘Lassy’ Marquez.

In any case, Ariella reveals she has a kissing scene with comedian Lassy, who later told her hindi siya nakapagsepilyo ng ngipin bago kinunan ang eksena nilang maghahalikan.

Binigla raw siya ni Direk Darryl, katuwiran ni Lassy.

“Sa totoo lang,” susog ni Ariella. “Hindi ko nalasahan, kumbaga, ang laway ni Lassy. In fact, nagkatawanan na lamang kami ni Lassy, pati na ni direk Darryl at mga iba pang kasamahan namin nang mapag-usapan namin ito.”

Of Ariella, she’s 32 years old, a typical probinsiyana before she joined a beauty contest.

She hails from Alaminos in Pangasinan and She a chemist by profession.

Secret daw if she is taken na, or not yet.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with