^

Pang Movies

MMFF 2021, inaasahang magiging festival ng mga starlet?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

May announcement na naman sila na ipagpapatuloy pa rin ang Metro Manila Film Festival, kahit na sa internet lamang ipalalabas ang mga sasaling pelikula na tiyak na low budget lang naman ang sasali. At karamihan mga hindi pa kilalang artista ang bida, para maliit lang ang talent fee.

Pero ‘yun nga, kung hindi naman nila gusto ang mga artista, hindi rin manonood ang mga tao at tanggapin na natin ang katotohanang iyan.

Tanggapin na rin natin ang katotohanan na ang MMFF ay hindi magtatagumpay kung walang sinehan. Hindi makababalik sa dati habang may lockdown, quarantine man o alert ang itawag doon.

Iyon ngang festival ng mga pelikulang indie iniurong nila dahil hindi nila napabuksan ang mga sinehan, eh mga low budget movies ang karaniwang sumasali roo.

Aasahan mo ba ang mga pelikulang pinagkagastahan ang produksiyon sa MMFF kung wala ring sinehan?

Ang MMFF, kung pagbabatayan ang history, si­mula nang palakihin iyan at gawin sa kabuuan ng Metro Manila noong 1975, mula sa dating Manila Film Festival lamang, ay naging tanghalan ng pinakamahuhusay na pelikula at pinakamalalaking artista. Hindi puwede riyan ang mga pelikulang hotoy-hotoy, dahil nasubukan na nga nila noong pinabayaan nila ang mga indie, bumagsak ang kita ng festival, at parang insulto pa dahil mas kumita ang mga pelikulang hindi nila tinanggap na inilabas bago ang festival. Maliwanag na ang nanonood ng sine ay hindi mo mapipilit na panoorin ang pelikulang ayaw nila.

Dalawa ang talagang layunin ng mga nagpasimula noon ng MMFF, ang maipakita sa lahat ang pinakamahuhusay na pelikulang gawang Pilipino, at ang makalikom ng pondo noon para sa mga manggagawa sa pelikula sa pamamagitan ng Mowelfund.

Sa pagdaraan ng panahon, marami na ang nakihati sa kita ng festival, pero ganoon pa rin, kailangang kumita.

Bakit nga ba pinagpipilitan nilang ituloy ang MMFF kung ang ipalalabas naman ay indie o mga pelikulang “segunda klase” at hindi naman kikita?

Hindi na iyon tumutugon sa layunin ng MMFF.

Pero ‘di pinag-interesan ng GMA… Maja, pasok sa EB?!

Maugong ang usapan na papasok na si Maja Salvador sa Eat Bulaga. Kailangan din naman ng show ang dagdag na dabarkads, lalo na nga’t ang talagang mga pambato nilang sina Vic Sotto at Joey de Leon ay nananatiling “work from home.”

Pero isang bagay ang mabilis na nilinaw ng kampo ni Maja, “ang contract niya ay sa Tape Inc., at hindi sa Kapuso Network.” May naamoy ka­ming hindi maganda. Kasi noong masara ang Sunday show nina Maja at Piolo, umugong na ang dalawa ay maaaring tumalon sa GMA. At bagama’t nagpakita ng interest ang mga taga-Kamuning kay Piolo, kay Maja ay hindi. Noong si Maja ang maging manager ni John Lloyd (Cruz), may nagsasabing dahil sa matinding interest ng GMA na makuha ang actor baka kunin na rin nila pati si manager, pero hindi pa rin.

Ngayon, ang kumuha kay Maja, ang Tape Inc., at hindi pa rin ang GMA. Bakit nga kaya? Hindi pa rin ba sila kumbinsido kay Maja kahit na consultant na nila si Mr. M (Johnny Manahan)?

Baguhang poging matinee idol na mula sa showbiz clan, berde ang dugo

“Hindi ako nakakibo. Gusto kong sumigaw nang walang sound. Sinampal-sampal ko ang aking sarili para matiyak kong ang nalaman ko ay totoo at hindi bangungot lamang. Iyong napakapoging bagong matinee idol na crush ko pa naman ay badidang pala. At ang kanyang category, hindi lang siya singer, dancer pa,” sabi ng fashion designer na nagkuwento sa amin.

Kami rin hindi makapaniwala sa sinabi niyang ang baguhang matinee idol, na nagmula sa isang showbiz clan ay isa ngang badidang, pero siguro nga napakahirap na itago kung berde ang dugong umaagos sa kanyang mga ugat. Lalo na nga’t nababalita pang ang mga “nahahada” niya ay personalities din. Natural matsitsismis. Basta ok lang at least wala siyang ambisyong maging “madre,” “born again” kasi siya.

vuukle comment

METRO MANILA FILM FESTIVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with