^

Pang Movies

Betong, naiyak sa tulong ni Alden

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Betong, naiyak sa tulong ni Alden

Isa sa pinagkakaabalahan ngayon ni Kapuso actor-comedian na si Betong Sumaya ang live selling, kung saan ibinebenta niya ang mga nabili niya noon na mga gamit like mga damit na hindi pa niya naisuot. Pero ang laking gulat ni Betong nang may magtanong sa chat comment na may pangalan na ‘RJ Richards.’ Akala ni Betong ay prank call lamang iyon pero nang magtanong ang kausap niya ng ‘magkano?’ tinanong na siya ni Betong kung si Alden Richards ba ang kausap niya. Nagtaka siya kasi hindi iyon ang username ni Alden sa Facebook.

Pero nagbigay rin ng presyo si Betong at tinaasan pa niya dahil baka nga manloloko lamang ang kausap niya, na P50K. Pero napaiyak na si Betong nang malaman niyang si Alden nga ang tumawag at nagpadala na ng bayad sa kanyang account.

To think na nasa lock-in taping pa noon si Alden ng The World Between Us.

Isa raw talagang kaibigan si Alden. Kaya labis ang pasasalamat niya, malaking tulong sa kanya ang ginawa ng actor, sa panahon ng pandemic.

Rachelle Ann, isinama ang pamilya sa Les Miserables

Nag-post si international stage actress-singer Rachelle Ann Go-Spies sa kanyang Instagram nang isama niya ang kanyang mag-ama, sina Martin Spies and their son Lukas nang mag-perform siya ng Les Miserables musical. Special presentation iyon na six nights na nag-perform si Rachelle. “I was able to bring my little fam to the theater! (Gielgud Theater. Although Lukas didn’t watch me as Fantine in Les Miz Concert because he’s still too young (and he might cry), he waited patiently backstage while his Papa Martin watched the show and for me to feed him.  He met the cast too and took loads of photos,” caption ni Rachelle.

Kapansin-pansin sa photo taken by Rachelle inside the theater na nag-observe sila ng health protocols because of COVID-19. Alternately may X-sign ang mga chairs na hindi puwedeng upuan ng audience. Outside the theater may suot ding face mask si Rachelle.

Faith at Albert, 40 years ang age gap

Marami nang naghihintay sa airing ng GMA Afternoon Prime series na Las Hermanas na tatampukan ng nagbabalik na Kapuso actor, si Albert Martinez, at Yasmien Kurdi, Faith da Silva at Thea Tolentino. Sa lock-in taping kasi ng serye ay kumalat ang rumors tungkol kina Albert (60) at Faith (20). Kaya nang mag-guest si Faith sa The Boobay And Tekla Show last Sunday, Sept. 26, tinanong siya ng hosts tungkol sa issue.

Hindi na raw nagulat si Faith sa tanong dahil expected na niya iyon since magiging magka-partner daw sila ni Albert sa story. Napag-usapan na rin daw nila iyon ni Albert, pero bilang mga artista, professional lamang sila sa isa’t isa at wala silang ilangan. First time na may serye si Faith, kaya si Albert daw ang nagga-guide sa kanya on the set.

vuukle comment

BETONG SUMAYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with