^

Pang Movies

Kabayan Noli, walang basbas ng Kapamilya na kumandidatong senador ni Yorme?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Kabayan Noli, walang basbas ng Kapamilya na kumandidatong senador ni Yorme?!

Uy wala diumanong basbas ang management ng ABS-CBN sa planong pagbalik sa pulitika ni Kabayan Noli de Castro.

Ayon sa super reliable source, hindi totoong binigyan ng blessing ng management si Kabayan Noli na kumpirmadong kakandidatong senador sa partido ni Yorme Isko Moreno (for President) and Doc Willie Ong (for Vice President).

Ilang araw na ang nakakaraan nang may isang source ang nagbulong at lumabas dito sa column namin sa Pang Masa na balik-pulitika nga ang dating senador at naging Vice President din ng Pilipinas.

Tulad ni Yorme Isko, nanggaling din si Kabayan Noli sa ibaba – sa pagiging production assistant noon kay Inday Badiday bago nakilala at sumikat sa pagho-host ng Magandang Gabi, Bayan at TV Patrol sa radyo at telebisyon hanggang pasukin ang pulitika after 25 years at nag-number one sa pagka-senador noong 2001.

Naging vice president naman siya noong 2004 to 2010 sa ilalim ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na diumano’y bubuhayin din ang political career sa darating na halalan.

So ano kayang magiging final decision ni Kabayan Noli?

Speaking of pulitika, tuloy rin ang pagkandidato ni Anjo Yllana sa pagka-congressman sa District 4 ng Bicol.

Matagal-tagal na ring pabalik-balik sa Bicol si Anjo kasama ang kapatid na si Jomari at karelasyong si Abby Viduya.

Si Jomari ay sa Parañaque kakandidato, last term na niya as councilor.

Tahimik na ang relasyon nina Jomari and Abby na tapos na sa lock-in taping ng GMA teleserye na Lolong. Pero wala pa siyang idea kung kailan ito eere.

vuukle comment

NOLI DE CASTRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with