^

Pang Movies

Ejay, tuloy ang pagsabak sa pulitika!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Ejay, tuloy ang pagsabak sa pulitika!

Kung dating basurero si Manila Mayor Isko Moreno, now running for President, no less, in the coming 2022 elections, well, iba naman ang aktor na si Ejay Falcon, who is running for an elective office naman sa kanyang bayan sa Pola (Oriental Mindoro).

Dating kargador siya sa kanilang bayan.

Suwerte raw niya, ayon kay Ejay, na na-recruit siya para mapasok bilang housemate ni Kuya sa Pinoy Big Brother (PBB), well, year 2008.

Napasok siya sa showbiz in no time. And became a big star. Now it’s the political scene Ejay is eyeing.

Zanjoe, naghahanap na rin ng mapapangasawa

Looking for a wife na raw si Zanjoe Marudo, who turned 39 last July 23. Ibig na niyang lumagay sa tahimik, in short.

Tubong Tanauan, Batangas, ‘di raw inaasahan ni Zanjoe ang magandang buhay na tinatamasa niya ngayon.

At nagsimula raw lahat, when he emerged fourth placer sa PBB Celebrity Edition.

This was in year 2006.

Sayang at hindi sila nagkatuluyan ni Bea Alonzo. Ang tagal din nilang nag-on.

Six years, both claim.

Of course, know ni Zanjoe na may bago nang pag-ibig si Bea.

Si Dominic Roque, that’s who.

Tito Sen, 11 na ang apo

Open daw sa pag-ayaw sa kanya ng mother ni Helen Gamboa bilang manliligaw pa lamang ni Helen, pag-amin ni Senate President Tito Sotto kamakailan lang.

Ang naging big plus niya ay ang pangyayaring openly gusto siya ni Helen.

Kaya, napakasalan daw niya ito sa araw na itinakda nilang dalawa.

At heto pa raw, isang pari ang nagkasal sa kanila. Hindi ang nakatakda sanang pastor, na hindi raw sumipot sa usapan.

Of course, nagkaroon ng malaking kasalan.

He and Helen, ayon kay Tito Sen, have been married for more than 50 years.

Apat ang kanilang anak, tatlong babae at isang lalaki. Si Gian, nag-iisang lalaki at siyang bunso, ang incumbent Vice Mayor ng Quezon City.

All in all daw, ayon pa rin kay Tito Sen, labing-isa ang kanilang apo.

No need to tell us, Salve A., that what’s keeping both Tito Sen at Helen ultra busy these days is the coming elections 2022.

It’s now a done deal ang pagtakbo ni Tito Sen bilang Vice President sa darating na elections.

Si Senator Ping Lacson ang kanyang Presidente.

Baka raw ito na ang huling pagsabak sa pulitika ni Tito Sen as he is now 73 years old.

Isang kandidato for the same position na tiyak matindi raw ang makakalaban niya, ani Tito Sen ay si Presidente Digong, na official na rin ang pagtakbo bilang Vice President.

President Digong is 76.

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with