^

Pang Movies

Ate Vi, nahirapang sampalin si John Lloyd

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ate Vi, nahirapang sampalin si John Lloyd

Napanood namin ang first YouTube vlog ni Star For All Seasons Vilma Santos uploaded yesterday kung saan nga ay ipinakita niya ang kanyang acting awards. Pero nakakatuwa dahil mas marami siyang tsikang flashbacks tungkol sa mahahabang taon na pinag­daanan niya bilang artista mula pa sa pagkabata niya.

Sa video ay maririnig ang voice-over ng anak niyang si Luis Manzano na siyang nagtatanong sa kanya. Aliw ‘yung tanong niya sa kanyang Momski kung kumusta raw si Edgar Mortiz as a partner and co-actor.

Of course, everybody knows na ang first boyfriend ni ate Vi ay si Bobot (Edgar) at naging super-sikat nga ang loveteam nila noon.

Natatawang kwento ni Vi, napakahigpit daw na BF ni Bobot at napakaseloso.

“Hindi ako pwedeng magsuot ng mababa ‘yung blouse, hindi ako pwedeng magsuot ng mini-skirt. Diyos ko, may panyo na diyan (sa legs), my Gosh. Dito (sa dibdib), may panyo na para takpan. Things like that.

“At saka, ayaw na ayaw niya akong nasasaktan talaga, anak. Talagang inaaway niya ‘yung mga fans. Kaya sabi niya, ‘hindi ako sisikat.’ Ganyan si Bobot ka-protective. Kaya swerte ni Millet (Santos, Bobot’s wife). I love you, guys,” sey ni ate Vi.

Natanong din ni Luis kung ano ang pakiramdam na masampal ni John Lloyd Cruz na as we all know ay nakatrabaho nilang mag-ina sa pelikulang In My Life. May nakakatuwang kwento si Ate Vi tungkol sa sampalan scene nila ni Lloydie.

Kwento niya, ayaw daw siyang sampalin ni JLC at inabot sila ng alas-singko ng madaling araw. Nagsimula raw sila ng mga 2 or 3 a.m. at panay daw ang sabi ng direktor na si direk Olive “Inang” Lamasan na sampalin na nito si ate Vi. “Ayaw niya talaga. Alam mo, bago nagawa ni Lloydie, alas singko na ng umaga. Ayaw niya ako talagang sampalin,” natatawang kwento ni Ate Vi.

Pero sobra ang paghanga ng Star For All Seasons sa husay ni Lloydie sa pag-arte na aniya ay galing daw talaga sa puso.

Puring-puri rin ni ate Vi ang sweetness ni Lloydie. Aniya, “kasi, hanggang nu’ng nag-hibernate siya, anak, may contact pa rin siya, pinadalhan pa niya ako ng pagkain. Lloydie, thank you.”

BGYO at BINI, naghahanda na sa sibling concert

Patuloy ang pag-angat sa international scene ng P-Pop group na BGYO matapos nilang mamayagpag sa Pandora Predictions Chart at Next Big Sound ng Billboard mula Agosto hanggang ngayong Setyembre.

Pumasok din muli ang grupo sa Next Big Sound ng Billboard at nakamit ang no. 1 spot sa magkasunod na linggo matapos mag-debut sa ika-anim na spot noong Mayo. Bumaba naman sila sa ika-dalawang na spot noong pangatlong linggo; ika-apat na spot noong pang-apat na linggo; at sa kasalukuyan ay nasa 14th spot.

Habang patuloy na nakikilala ang grupo sa ibang bansa, naghahanda na rin sila sa makasaysayang sibling concert kasama ang BINI na One Dream: The BINI & BGYO Concert na magaganap sa Nobyembre 6 at 7. Para sa mga gustong bumili ng SVIP tickets sa halagang P1950 o US39.99, pwedeng makasama ng fans ang parehas na grupo sa isang meet and greet at maaari nilang mapanood ang dalawang shows samantala para naman sa VIP tickets na nagkakahalagang P1,490 o US$29.99 ay maaari na nilang masilayan ang BGYO at BINI pati na ang surprise guests nito sa dalawang araw na concert.

vuukle comment

VILMA SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with