^

Pang Movies

Carlo, napakawalan ang squid game dahil sa lockdown

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Carlo, napakawalan ang squid game dahil sa lockdown

Nakita namin iyong maikling note ng Korean director na si Huwang DongHyuk, kay Carlo Aquino at nagsasabing nanghihinayang siya at hindi sila nagkatrabaho ngayon, pero naniniwala siyang sa hinaharap ay magkakasama rin sila sa isang project.

Ang proyektong tinutukoy ng director ay ang nine part television series na Squid Game kung saan dapat kasama talaga si Carlo. Kaso nagkaroon nga ng delay dahil sa pandemya at nang sisimulan na ang trabaho, hindi na makabiyahe si Carlo pabalik sa Korea dahil sa travel restrictions.

Nakakahinayang talaga dahil ang serye ay sinasabing top rater hindi lang sa Korea kundi ganoon din sa ibang mga bansa sa Asya na kasalukuyang no. 1 trending sa Netflix.

Hindi lang si Carlo ang nawalan ng pagkakataong makalabas sa seryeng iyon, nawalan din ng pagkakataong mapanood ng mga dayuhan na may magagaling na artistang Pilipino, na maaari rin nilang makuha sa kanilang mga proyekto sa bansa nila.

Kris, certified dilawan ang kasal

Dilaw na dilaw ang gayak ng St. Alphonsus Church sa Magallanes Village noong Sabado ng hapon. Puro kasi malalaking sunflowers ang ginamit sa pag-aayos ng simbahan kung saan ikinasal ang aktres na si Kris Bernal sa kanyang boyfriend na rin ng ilang taon na si Perry Choi. Si Kris ay dumating din sa simbahan na sakay ng isang dilaw na SUV.

Noong isang taon pa nabalita ang balak silang pagpapakasal, pero mga dalawang ulit nga iyong postponed dahil sa lockdown sa pandemya. Pati nga raw ang simbahan na first choice ay hindi na nila nakuha kasi may schedule na nga.
Kaya doon na sila nagpunta sa Magallanes, at ganap ngang alas tres ng hapon noong Sabado ginanap ang kasalan.

Matagal na rin naging magsyota sina Kris at Perry. Nagkakilala daw ang dalawa noong magtayo ng isang burger shop si Kris.
Naghanap siya ng meat supplier, at ang pamilya ni Perry ay may kumpanyang nagsu-supply ng karne sa mga restaurant, at si Perry na isa ring chef ang siyang nagtitimpla at gumagawa ng patties ng hamburger na ginagamit naman sa restaurant ni Kris.

Naging business partner na sila. Tapos naging partners sila ulit nang magbukas ng isa pang Korean restaurant. Hanggang sa nagkagustuhan na nauwi sa kanilang engagement.

Lalong gumanda si Kris sa suot na wedding gown, at sinamahan siya ng kanyang mga magulang patungo sa altar kung saan naman siya sinalubong ni Perry.

Mga kaanak lamang at malalapit na kaibigan ang naroroon dahil sa limitasyon nga ng mga taong maaari ring papasukin sa simbahan.

Dalawang male star, lantad ang sideline sa mga baklang pulitiko

Kalat ang tsismis tungkol sa dalawang male star na diumano ay may kaugnayan ngayon sa dalawang gay politician. Take note mga senior politician sila at may mga pamilya pa.

Iyong medyo baguhang actor ay binata pa naman, pero ang isa ay hiwalay sa asawa.

Ang politician at baguhang male star, sa gawing Makati at BGC lang sila madalas na makita. Ang hiwalay na male star at gay politician ay sa Tagaytay naman daw ang laging rendezvous. Doon nga naman bihira ang makakakita sa kanila. At madalas sa isang private resort sila nagkikita. Marami talagang pumasok sa sideline dahil sa pandemic.

vuukle comment

CARLO AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with