^

Pang Movies

Mariel, pinakita ang mga baril!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Astig ang bagong vlog ni Mariel Padilla na may titulong Babae at Baril (My Gun Collection) dahil ipinakita niya ang kanyang pag-aaring mga baril. Take note na “mga” dahil hindi lang ito isa kungdi marami.

“Who would’ve thought, right? I know ang mga na share ko before are my collection of bags, headbands, pati tableware, but I’m really excited to show you all a part of me na hindi niyo pa nakikita — my guns!

“It all started nung niregaluhan ako ni #RobinPadilla with my first gun and now look where we are. Anu-ano mga collection niyo?” ang deskripsyon ni Mariel sa kanyang video.

Ikinuwento niya na una raw siyang binilhan ng hand gun ng mister na si Robin Padilla noong 2011 or 2012 na ipinakita rin niya sa video. Siyempre, nagulat daw siya dahil hindi naman daw siya shooter.

Pero mas na-shock daw siya nang malamang may baril din ang kanyang biyenang si Mommy Eva Carino-Padilla na mommy ni Binoe. “I remember, I’ll never forget it. One of the first few times that I’ve met my mother-in-law, she said, ‘Robin, ‘yung shotgun ko, parang kailangan nang lagyan ng langis.’ I was shocked. Imagine, a 70-year-old lady, sinabi niya na may shotgun siya. I was shocked to the core! Bago pa lang ako no’n sa pamilya nila. ‘Eto na tayo ngayon, may koleksyon na rin ako,” pagbahahagi niya.

Isa-isang ipinakita ni Mariel ang mga baril with detailed explanation. Kwento pa niya, of course ay si Binoe ang nagturo sa kanya na magpaputok at noong una nga raw ay talagang takot na takot siya.

“Ten years after takot pa rin ako, okay, I still get scared,” she said.

Nilinaw din niyang lahat ng baril niya ay may permit at mayroon din daw siyang lisensya na ipinakita rin niya lahat.

Kwento pa ni Mariel, the first time na nakita niyang may dalang baril si Binoe ay noong panahon pa na nagho-host siya sa Wowowee na show nila ni Willie Revillame sa ABS-CBN. “Ihahatid niya ako sa Wowowee, ito ‘yung isinusuksok niya du’n sa ilalim ng upuan niya na noong una na-shock-shock pa ako. Sabi ko, ‘oh my Gosh, ihahatid lang ako sa work, bakit tayo may gun?’ Hindi pa ako masyado no’n sanay, bago pa lang ako sa Padilla (family), hindi pa ako masyadong goons. Ngayon, goons na ‘to!” sey ni Mariel sa tonong nakakaaliw na siya lang talaga ang meron.

Ibinahagi rin niya na ang mga baril ay nakatago sa isang very secured vault and definitely ay out of reach ng mga bata.

Paglilinaw pa niya, “this is all for collection and this is not used for violence ever. Most of the time, for movies, okay? Of course, nandiyan din ‘yung for security, for protection, yes. Pero never for violence.”

Lassy, hindi natulad ang kapalaran sa ibang nawalan ng trabaho sa comedy bars

Malayo na nga ang narating ng komedyanteng si Lassy Marquez. Mula sa pagiging isang stand-up comedian sa comedy bars hanggang sa mapunta sa showbiz at magsimula bilang sidekick ni Vice Ganda sa mga pelikula nito, finally ay dumating na rin ang kanyang biggest break na magbida sa isang pelikula.

Si Lassy ang bida sa latest offering ng Viva na Sarap Mong Patayin kaya naman masayang-masaya ang komedyante na kahit pandemic ay hindi siya nawawalan ng trabaho. Bukod sa naturang movie ay kasama rin siya sa pelikulang Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso na mapapanood na sa Vivamax ngayong Oct. 1.

Pero hindi lahat ng stand-up comedians ay pinalad na maka-survive nang mawala ang mga comedy bars ngayong pandemic kaya naman labis itong ikinalulungkot ni Lassy.

Ang iba naman daw nagpe-perform online para kumita at tulong-tulong daw sila para maka-survive.

“Nakakalungkot lang dahil marami na rin ang mga nawala, binawian ng buhay dahil sa stress, sa kalungkutan, sa kahirapan,” aniya.

When asked kung babalik pa ba siya sa comedy bar kapag nagbukas ulit kahit pa nga nagbibida na siya ngayon, sagot ni Lassy, “kung magbubukas ang comedy bar, siyempre ay babalik pa rin ako kasi ‘yun ang naging training ground ko, eh. Kung paano ako nagkahubog sa pagpapatawa.”

Samantala, streaming na ang Sarap Mong Patayin sa Vivamax simula sa October 15. Ito ay mula sa direksyon ni Darryl Yap.  

vuukle comment

MARIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with