^

Pang Movies

Kanta ni Mikee, no. 1 agad!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Kanta ni Mikee, no. 1 agad!

Ang kanyang fans ang isinaisip ng Kapuso artist na si Mikee Quintos nang gawin ang single niyang Just Enough.

Mula kasi nang pumasok sa showbiz si Mikee, todo na ang suportang ibinigay sa kanya ng fans. Kaya naman bago ilabas ang single niya, nagkaroon siya ng listening party kasama ang ilang fans na excited din sa latest single niya.

Si Mikee ang kauna-unahang naglabas ng awitin mula sa GMA Playlist at ayon sa report, number one na ito sa isang sikat na streaming platform, huh!

Marco ‘di nagpa-make up sa puwet

Confident ang baguhang si Marco Gallo na makinis ang kanyang puwet.

Kaya naman nang sabihan siya ng director na si Daryl Yap na palagyan na ng make up ang puwet para sa isang eksena sa movie niyang  Ang Mananaggal na Nahahati Ang Puso ng Viva, hindi siya pumayag.

“Bigla nga siyang naghubad! Siyempre nagulat kami. Walang karate-arte si Gallo sa eksenang ‘yon,” pahayag ni direk Daryl sa virtual mediacon ng movie.

Eh sa sobrang tapang ni Marco, nasobrahan ang mga ipinakita niya sa movie to the delight of Beks Batallion na kasama niya sa pelikula, huh!

Sa totoo lang, ayon sa director, palihim niyang inilabas sa social media ang picture na labas ang puwet ni Marco.

Nang malaman ito ng Viva, mahigit 2M views agad ang hinamig nito, huh! Iba na ang may makinis na puwet, guwapito pa!

vuukle comment

MIKEE QUINTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with