^

Pang Movies

Alfred, tutok sa kapatid na si PM!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Alfred, tutok sa kapatid na si PM!

Mukha namang maganda ang takbo ng kampanya ni PM Vargas. Parang tulad ng suporta kay Alfred Vargas nang tumakbo siya sa distrito, ito rin ang nakukuhang suporta ni PM.

Maganda kasi ang iiwang record ni Alfred kaya naman naging madali rin kay Coun. PM ang ligawan ang mga tao sa distrito na ipamamana ng kuya niya.

Tutok na tutok sa maaaring gawin para lalo pang umunlad ang distrito ni PM ngayon pa lang kaya naman malaki ang inaasahan ng marami sa kanya once na siya na ang maging congressman dito.

Sipag at tiyaga din ang puhunan ni PM kaya naman natutuwa si Alfred na makita ang kapatid na talagang nagsisikap para sa ikabubuti ng serbisyo nito.

Happy kami for PM Vargas. At happy rin kami for Alfred. Talagang wor­king hard silang dalawa. Vargas legacy.

Helen, masarap kausap

Sayang at hindi ako invited sa Zoom conference nina Tito Sotto at Helen Gamboa. Type na type ko pa namang makita si Helen Gamboa-Sotto dahil ang tagal na mula nang last na makita ko ito.

Isa si Helen sa talagang hindi nakakalimot sa mga kaibigang press people noon pa man, kahit na nga hindi siya gaanong active sa showbiz. Nanatili ang maganda niyang relationship sa lahat ng taga-showbiz kaya naman talagang mahal na mahal siya ng mga ito.

Masarap kausap si Helen dahil magaganda ang kanyang insight at talagang wide ang kanyang scope sa lahat ng bagay.

Hindi bale, one of these days, sure ako na magkikita pa rin kami dahil tiyak naman kahit papaano sasamahan niya minsan ang kampanya ng mister na si Tito Sotto na tumatakbo para sa VP position.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with