^

Pang Movies

Aktor, kapit pa rin sa ‘bisyo’

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Uy balik na naman daw sa dating bisyo ang isang actor.

May signs na naman nga raw na hindi pa rin talaga ito nakakawala sa kanyang pagbibisyo ayon sa isang source.

May moment na naman daw itong tulad noon na iba naman ang priority sa buhay.

Sayang kung totoo ito.

Nakakabangon na sana siya at parang maayos na uli pero kung ganito, kawawa naman siya.

Yen, winalis ang pictures sa IG

Maraming nahihiwagaan kung bakit winalis  ni Yen Santos ang mga photo sa kanyang Instagram page.

Kontrobersyal pa rin sila hanggang ngayon ni Paolo Contis matapos ang iba’t ibang intriga na nag-umpisa nang ipalabas ang pelikulang nilang A Faraway Land na kinunan sa Faroe Islands, Denmark.

Hanggang naglabasan na nagkita sila ni Paolo na nagsimba sa Pangasinan at Baguio na later on ay sinabi naman ng aktor na nagkasama lang naman sila ng Kapamilya actress sa Baguio as a friend dahil nasa bandang North din si Yen kaya niya tinawagan. Pero nag-trending ito at pinag-uusapan pa hanggang sa kasalukuyan.

“Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ, it was mainly because of me. Masyado niyo siyang diniin sa issue na ‘to. Pati pag-promote namin ng movie nabahiran na ng kung anu-ano,” maaalalang sinabi ni Paolo.

 In all fairness, hindi pa rin natatabunan ang kontrobersiya kina Paolo, Yen and LJ Reyes.

Ang haba ng life span ng sinasabing ‘love triangle’ of the year.

Save the date ng wedding nina Derek at Ellen, tagung-tago!

Ang ganda ng ‘save the date’ invitation nina Derek Ramsay and Ellen Adarna sa kanilang kasal.

Fresh flowers ito kung saan nga nakalagay ang petsa ng kasal nila.

May nakalagay na ‘confidential’ ang nasabing ‘save the date.’

Samantala, pa-cute naman nang pa-cute ang anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz na si Elias lalo na sa kanilang bonding na may caption na “My Beautiful Boy.”

vuukle comment

YEN SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with