^

Pang Movies

Kathryn, pinagkakitaan ng kanyang ‘admin’

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Kathryn, pinagkakitaan ng kanyang �admin�
Kathryn

Gumawa ng bagong domain sa internet si Kathryn Bernardo. Isipin ninyo, ang tagal nang may FB account si Kathryn, tapos nagkaroon siya ng sarili niyang domain gamit ang kanyang pangalan, pero iyon pala ay ginawa lamang ng kanyang fans. Wala siyang control sa accounts na iyon kahit na ang ginagamit ay pangalan niya.

Sa panahon ngayon na ang ganyang account ay milyon na ang followers, malaki na ang kinikita ng mga iyan dahil sa pumapasok na advertisements.

Hindi naman ang kita ng accounts ang hinahabol nila Kathryn, gusto lang sana nilang sila naman ang humawak ng account para mas magkaroon ng diretsong ugnayan sa iba pang fans. Gusto sanang bilhin nina Kathryn sa kanila ang accounts na gumagamit mismo ng kanyang pangalan. Pero nang kinausap daw ang dalawa na humahawak ng mga account na iyon, napakataas naman ang presyong hinihingi nila dahil matagal daw nilang pinaghirapan iyon. Sa takbo ng usapan, mukhang ayaw nilang pakawalan ang control ng mga nasabing account kahit na nga iyon ay gumagamit ng pangalan ni Kathryn.

Kaya ang ginawa nila sa ngayon, gumawa na lang sila ng panibagong account na siyang opisyal nang magiging internet domain ni Kathryn. May administrator pa rin, pero ang control ay na kay Kathryn at may pagkakataon na mas makaabot sa kanyang fans.

Pero ang dapat tularan niya ay si Daniel Padilla na hindi na gumawa ng social media account, at walang pinahintulutang gumawa ng social media account na ginagamit ang pangalan niya.

Maliwanag na kung may lumalabas man, iyon ay mga fan pages lang.

JC, matindi ang paniniwala sa diyos

Natawag ang aming pansin sa sinabi ni JC de Vera matapos ang kasal nila sa simbahan ng kanyang asawa nang si Rikkah Cruz sa parokya ni San Antonio de Padua sa Silang,Cavite.

Sinabi niyang talaga raw gusto nilang pakasal sa simbahan noon pa. Nagpakasal nga silang una sa sibil noong 2018, na tama lang naman dahil pagkatapos noon isinilang na ang kanilang panganay na si Lana Athena. Ganoon pa man, sinikap pa rin nilang ituloy ang isang kasal sa simbahan. “Iyon kasing kasal sa simbahan may basbas ng Diyos mismo,” sabi ni JC.

Sa panahong ito, bihira na ang nakakaunawa ng kaibahan ng kasal sa simbahan. Bihira na ang nakakaalam kung ano ang epekto ng sakramento ng kasal. Kaya nakakatuwa si JC dahil maliwanag na gusto niyang ilagay sa ayos ang kanilang buhay na mag-asawa at bilang magulang ng kanilang anak.

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with